May dalang pang hapunan si Eugene para sa kanilang dalawa ni John, hindi inasahan iyon ni John na balak na sana niyang magpadeliver. Pinagsaluhan nila ang inihaw na manok at liempo na dala nito, at may dala pa itong 1 liter na chocolate ice cream.
“Ang dami mo namang binili” puna ni John, kasunod ang pagsubo niya, pareho din silang nakakamay lang na kumain.
“Baka kasi di ka pa kumain”
“Kanina kumain kami ni Sam sa labas kaya balak ko sana mamaya na ako kakain muli. Ang sarap ng mga dala mo”
Masayang pinagmamasdan ni Eugene na nagustuhan nito ang dala niya.
“Kapag di natin naubos ang ice cream pwede ko bang bigyan si Sam, favorite niya kasi ang chocolate ice cream”
Tumaas ang kilay ni Eugene, wala na naman siyang pakialam kung gusto ni Sam ang dala niya ang nais niya ay para sa kanila lang ang dala niya. “Depende kung may matira, paborito ko rin kasi yun”
“Ah” sagot nalang ni John “Bibilhan ko nalang siya bukas siguro” itinuon na nito muli ang pansin sa pagkain
“Kumusta pala kayo ni Sam?”
“Okay naman, kaso kasi nakikipagkita pa rin siya sa kababata niyang girl, kahit pa sinabihan ko na siya”
Ngumisi si Eugene “Baka gusto niya ang babaeng iyon”
Pasubo na sana si John ng mapahinto ang kamay niya sa sinabi ng kaharap.
“Kasi ako pwede akong magkagusto sa babae o lalaki. Kaya kong makipagsiping alin man sa dalawa”
Naibaba ni John ang kanyang kamay, nasa kaharap ang kanyang buong atensyon.
“Ano ba si Sam? Katulad ko ba siya?”
Umiling si John “Iba siya sayo” tanggi niya ngunit lumalim ang pag iisip niya
“Minsan na ba siyang nagkagusto sa babae”
“Hindi ko alam”
“Kung nagagandahan siya sa babae, tiyak kong magkatulad kami. Sorry ha, gusto ko lang malaman kung may nangyari na sa inyo?”
Yumuko si John, tumitig siya sa pagkain niya “Di pa siya ready”
“Di kaya di pa siya ready na makipagsiping sa kapwa lalaki dahil sa babae siya interesado”
“Hindi siya ganun, may plano kami at masaya kami kung ano lang ang ginagawa namin” galit ang tono ni John, masama din ang tingin niya kay Eugene
“Sinasabihan lang kita, Brad. May mga nakarelasyon akong lalaki na pinili ang babae at iniwan ako”
Nagbigay ng takot kay John ang sinabing ni Eugene.
“Pero baka mali ako, nakikita ko namang mahal ka niya”
“Paano nasasabing gusto mo ang isang babae? Paano mo nagagawang makipagsiping sa kanila”
“Hindi ko alam pero siguro sa ganda ng muka at katawan”
Naalala ni John na maganda at maganda ang katawan ng kaibigan ng kasintahan “May pinagkaiba sa lalaki?”
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Teen FictionCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...