KABANATA 42

47 4 0
                                    

Iminulat ni Sam ang kanyang mga mata ng maramdaman ang labi ni John na nakalapat sa labi niya, napangiti siya kaya humiwalay si John at makitang nagising na siya. Di na niya nalasahan ang alak na ininom nito kagabi, mouthwash na ang nalasahaan niya.

           “Nagising ba kita?”

           Niyakap ni Sam kasintahan, umibabaw si John sa kanya at muling hinagkan ang labi niya. “Tutuparin ko ang pangako ko sayo kahapon” sab ini John ng humiwalay ito sa halikan nila

           “I love you, bro” nakatitig siya sa mga mata ni John ng sinabi iyon

           Ngumiti si John, ibinaling naman nito ang labi sa leeg niya. Napapikit nalang siya habang  hinayaan itong halikan siya, umangat ito upang hubarin ang damit niya, sunod ang pang ibaba niya, tapos ito naman ang sunod na nagtanggal ng mga damit, nakatingin lang siya at nag antay sa gagawin nito. Ginantihan niya ang mga halik nito, ipinaubaya niya ang katawan sa kasintahan, ramdam na ramdam niyang sabik na sabik ito sa kanya, wala siyang reklamo sa laway nitong iniwan sa dibdib niya. Paghaplos niya sa katawan nito ang naigaganti niya sa pagkakataong naliligayahan siya sa ginagawa nito.

           Nakahiga siya sa ibabaw ni John, nakaunan siya sa dibdib nito, hinahaplos naman ni John ang buhok niya.

           “Mabigat ba ako”

           “Kahit gaano ka pa kabigat mas gugustuhin kong gawin mo iyan, kung pwede lang lagi lang tayong ganito”

           Inangat ni Sam ang kanyang ulo at tinignan ang nobyo.

           “Gusto ko nang magsisising pinilit kitang umalis”

           Natawa si John, “Gusto ko na rin huminto, para makasama ka, mahalikan ka at mayakap ka ng ganito. Pero nahihiya na ako sa pamilya ni Kuya Jaden, ayoko silang biguin. Gusto kong suklian ang kabaitan nila sakin”

           Masaya si Sam na naririnig iyon sa kasintahan “Lalo kang gumwapo dahil sa pasasalamat mo sa kanila”

           Napahalakhak si John “Lalo ka bang nainlove sakin, Mahal ko” pisil pa niya sa pisngi ni Sam

           “Basta bawal kang humalik ng iba, kahit humawak ng ibang ano”

           Napahalakhak muli si John.”Wag kang maingay baka maisip nilang gising na tayo” saway ni Sam, kahit alas sais palang ng umaga iyon ay tiyak na niyang gising na si Danny

           “Alam ko iyon, wag kang mag alala sayo lang naman ako nababaliw”

           “Mabuti kung ganun”

           “Nakukulangan ako sa bakasyon ko, mamimiss na naman kita pagbalik ko doon”

           “Kaya hinahayaan kitang gawin ang lahat ng kahit anong gusto mo sakin”

           Bumulong si John pero walang sagot si Sam, tila di niya pa kayang ibigay ang nais nito.

           “Bukod doon”

           “Ang daya, iyon lang naman ang di pa natin nagagawa na gusto kong subukan na, kasi magkalayo naman tayo”

           “May tamang oras para doon”

           “Di ka naman mabubuntis, Mahal”

           “Di pa ako handa”

           Inikot ni John ang kasintahan para siya na ang nasa ibabaw.

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon