KABANATA 9

47 5 0
                                    

Naiyak si Justin ng makita niya ang inihanda ni Travis para sa kanya, may isang lamesa sa garden ng mga ito, maraming kandilang nakasindi sa daraanan niya papunta sa lamesa, may nagkalat ding mga lobong hugis puso. Lalo pa siyang naiyak nang makita si Travis na nakatayo sa malapit sa lamesa, nakabihis pa ito ng tuxedo na nakapagpatawa sa kanya sa kabila ng may luha sa kanyang mga mata. Hindi na siya sinamahan ni Sam na lumakad papunta sa kinaroroonan ni Travis, kinunan nalang ni Sam ng video ang mga ito.

           Halik ang ibinungad ni Justin sa nobyo na ginantihan naman ni Travis at mahigpit silang nagyakap. Kitang kita sa kanilang mga mata ang pagmamahal sa isa’t isa. Ipinag urong pa ni Travis ng upuan ang nobyo upang makaupo ito.

           Si John ang nagsilbing waiter nila na naglabas ng mga pagkain. Pasta na niluto ni Travis at ang inorder nitong salad at steak. Wine naman ang inumin. Namalagi sa kusina ang magkasintahang John at Sam para doon kumain ng para sa kanila.

           “Akala ko ba sa restaurant mo ako dadalhin?” tanong ni Justin habang hinihiwa ang steak

           “Akala ko kasi matutuwa ka dito”

           Ngumiti si Justin na napahinto sa paghihiwa “Mas the best ito. Thank you at nag effort ka”

           “Wala naman akong masyadong ginawa, kinulang na kasi ako sa oras. Tinulungan ako nina Sam kaya kahit papaano nangalahati ako sa plano ko”

           “Di mo kailangang mageffort ng bongga basta matandaan mo lang” biro ni Justin

           Natawa na lang si Travis.

          

           Tig isa sila ng singsing na may nakaukit na pangalan nila, ang regalo ni Travis. Samantalang medyas naman ang kay Justin na tig isa din sila. Nalungkot pa nga si Justin dahil mumurahin ang kanyang gift, pero pinawi iyon ng malambing na mga salita ni Travis, sinabi nito kung gaano siya kahalaga para dito, nais din ni Travis na di magsawa si Justin sa kanya at sana daw ay mahalin pa siya habang buhay. Tumayo sila at nagyakap, kahit walang romantic music ay marahan silang sumayaw habang magkalapit ang mga katawan.

           “Anong gagawin natin mamaya” bulong ni Travis

           “Matutulog”

           “Okay” tonong pagkadismaya ni Travis

           Humiwalay si Justin sa nobyo at tinitigan ang muka nito “Gusto mo na ba talaga?”

           “No! ikaw ang gusto ko, di ka ba sanay sakin”

           “Matulog tayong magkatabi ngayon”

           Napatitig lang si Travis sa nobyo na di nakasagot.

           “Tulog lang” paglilinaw ni Justin

           Ngumiti si Travis “Thank you” niyakap niya si Justin “Sa wakas makakatabi na kitang matulog”

           “Mahal na mahal kita Chopsticks”

           “I love you so much Choco, wag kang magsawa sakin”

          

           Natulog na magkatabi sina Justin, naiilang pa sila na parehong nakatihaya lang at sa kisame ang tingin. Dati naman silang nagtabi na sa tent, pero iba na kasi ngayon dahil magkasintahan na sila ngayon.

           “Chop pwede mo akong yakapin” sabi ni Justin ngunit di siya nakatingin kay Travis

           “Okay” agad na umusog si Travis at niyakap ito

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon