KABANATA 39

53 6 0
                                    

Bukas ay nakatakda nang lumabas si John, kaya ninais ni Sam na doon na matulog sa tabi ng kasintahan. Kahit anong tutol ng lahat ay walang nagawa ang mga ito sa pagpupumilit niya, maging si Jaden ay pinauwi niya din upang siya na ang mag asikaso sa kasintahan.

           “Sobrang namiss kita, Mahal” sabi ni John habang nakatitig sa katabi at kayakap na si Sam

           Idinampi ni Sam ang labi sa kasintahan “Lalo na ako, sorry kasi nalungkot ka ng sobra. Alam mo kung sakaling di ako nagising, walang problema sakin kung magmahal ka ng ib_”

           “Tumigil ka na nga, tapos na iyon, wala akong ibang gusto ikaw lang. Kung di lang din ikaw ang makakatuluyan ko ay di bale nalang”

           Hinalikan muli ni Sam ang labi ng kasintahan, umibabaw sa kanya si John.

           “Wait ang sugat mo. Wag ka masyado malikot”

           “Magaling na ako” muling bumalik sa paghalik sa kasintahan

           Muling bumitiw si Sam “Sigurado ka, baka may pumasok na nurse”

           Natawa si John, naisubsob niya ang muka sa leeg ni Sam “Napakacute mo talaga” umalis na siya sa pagkakaibabaw sa kasintahan “Kapag nakauwi na tayo babawi ako Samson, di lang kamay ko ang gagamitin ko sayo” biro pa nito

           Nahampas ni Sam ang balikat ng kasintahan “Ang bastos mo”

           Umurong pa si John ng mas malapit, pareho silang nakatagilid at nakaharap sa isa’t isa “Gusto mo naman ng ganung usapan diba” inilagay niya ang kamay niya sa baywang ni Sam

           “Di kaya”

           “Dahil pinag antay mo ako ng matagal, kailangan pumayag ka na sa gusto ko” ibinaba niya pa ang kamay papunta sa puwitan ni Sam at pinisil iyon.

           Iniyakap ni Sam ang braso niya sa batok ng kasintahan “Kahit anong gusto mo ibibigay ko sayo, Mahal ko”

           Napangiti si John sa tawag nito sa kanya “Ulitin mo nga iyon”

           Umiling si Sam “Matulog na tayo” pumikit na si Sam pero ang labi niya ay nakangiti

           “Ay ang daya mo, sabihin mo muli, Mahal ko”

           “Ayaw”

           “Ah ganun” hinalikan niya ang labi ni Sam, di naman tumutol ito, mas naging pabor pa iyon. Muling itinulak ni John ito patihaya ay muli siyang umibabaw dito.

           Di na siya pinigil ni Sam, lalo na nang ipatong ni John ang kamay niya sa suot nitong pajama, mahigpit lang niyakap nito ang batok niya. Pagkatapos ay ipinasok ni John ang kamay niya sa damit si Sam.

           Bumitiw si Sam sa labi niya nang bumukas ang pinto, sabay silang tumingin sa pumasok. Gulat na gulat ang nurse na masaksihang magkapatong sila sa kama na naghahalikan pa.

           “H..i” bati ni John, pero di siya umalis sa ibabaw ni Sam, itinulak lang siya ni Sam kaya siya umalis, umupo siya sa kama, maging si Sam ay bumangon din na hiyang hiya.

           “Ibibigay ko lang sana ang last medicine mo, Sir” sabi ng nurse, mabilis itong lumapit at iniabot ang gamot at tubig

           Ininom ni John ang mga binigay nito.

           “Ah paalala lang po, wag po sana sa kama” bilin pa ng nurse na halatang di komportable sa sinabi

           “Ah nagkakamali kayo, wala po kaming gagawing ganun. Naghahalikan lang po kami” paliwanag ni Sam

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon