KABANATA 23

38 3 1
                                    

Mabilis na lumakad ang araw, di nila namalayang isang buwan na ang lumipas mula noong naghiwalay sila, namimiss pa rin ni Sam ang dating kasintahan, pero mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon, kahit makipag usap pa siya kay Julius o kanino man walang makikipag away sa kanya dahil sa selos. Hindi na niya halos nakikita ito kaya mas madali sa kanyang matanggap iyon, kapag breaktime tatlo lang sila sa rooftop, di nakakapaglambingan sina Travis at Justin dahil naroon siya sa tabi ng mga ito, sobra siyang natutuwa na di siya iniwan ng mga kaibigan, kay Eugene daw sumasabay si John kapag breaktime, madalas din itong nanonood ng praktis nito. Nasasaktan siya dahil tiyak siyang higit sa roommate ang tingin ng basketball star sa dating kasintahan. Nagtagumpay ito, nakuha na nito si John. Kung masaya si John dito ay kailangan niyang maging masaya nalang din.

           Kasabay niya si Justin na naglalakad ng corridor ng third floor ng building nang mapatingin siya sa ibaba. Napahinto siya sa paglalakad niya, napatingin din si Justin sa tinitignan niya, pareho nilang nakita si John na nakangiti habang kausap si Eugene na naglalakad papunta sa basketball gym. Umakbay pa si Eugene kay John, na nakapagpasikip ng dibdib niya. Siya naman ang sumuko kay John bakit siya lang ang nasasaktan sa paghihiwalay nila. Sobrang sakit na makita itong masaya sa iba, na dati siya lang ang nakakapagpangiti dito, posible kayang di na talaga siya ang nasa puso nito kaya ganun nalang nito ipilit ang maling paniniwala sa pag ibig niya.

           “Please don’t be in love with someone else

           Please don’t have somebody waiting on you

           Please don’t be in love with someone else” kanta ni Justin sa lyrics na Enchanted ni Taylor Swift

           Napalingon si Sam sa kaibigan na may malungkot na muka, sakto ang lyrics na iyon sa iniisip niya ngayon habang nakatanaw sa dating kasintahan. Di niya kayang makita itong masaya sa iba. Nadudurog ang puso niya.

           “Ice cream?” suwestiyon ni Justin, upang maibsan ang kalungkutan nito, dahil tiyak itong paborito ni Sam iyon.

           Kasama nila si Travis na kumain sa ice cream parlor, nakatingin lang ang magkasintahan sa kanya habang kinakain na umiiyak ang ice cream na parating binibili ni John sa kanya.

           “Wrong idea ata ako” bulong ni Justin sa kasintahan

           Inurong nila Travis ang kanilang upuan upang makadikit kay Sam, hinaplos nila ang likod nito.

           “So..rry” si Sam

           “Okay lang, next sa dorm naman tayo pupunta” biro pa ni Travis

           Nahampas ni Justin ang braso ng nobyo dahil sa biro nito

           “Biro lang”

           Napangiti si Sam

           “Tignan mo napangiti ko siya”

           “Hay naku Sam Sam, hayaan mo na sila, atleast ngayon malaya ka nang makipaglandian sa kahit kanino. Wala ng mang aaway sayo kahit makipaghalikan ka pa sa iba”

           “Magkaibigan lang naman sila, wag kang mawalan ng pag asa, Sam” sabi pa ni Travis

           “San ka ba kampi, Chop?”

           “Kaibigan ko din si John, alam kong mahal niya pa si Sam kaya may chance pa”

           Pinunasan na ni Sam ang kanyang muka, naibsan ng magkasintahan ang dinadala niyang sakit sa dibdib, kaya napangiti siya.

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon