Nadatnan ni Jaden si John na nag iinom, halatang marami na itong nainom dahil na rin sa nakita niyang isang bote ng brandy na wala nang laman at kalahati naman ang isa pang bote.
"John" agaw niya sa basong puno ng laman na balak na inumin ni John
"Ika..w pala iyan. Samahan mo a..kong umi..nom" pulang pula na ang mga pisngi nito
"Di matutuwa si Sam kapag nakita ka niyang ganyan"
"Wala na kami" sigaw nito "Wa..la siyang kara..patang maga..lit. sinagot ni..ya lan..ng na..man ako kasi naawa siya sakin" naluha ito at umiyak
Hinila ni Jaden ang isang silya palapit kay John at umupo doon.
"Bakit ba ganyan ang iniisip mo. Minahal ka niya. Di siya mananatili sayo kung naawa lang siya sayo. Wag mo siyang sukuan"
"Ayo..ko na..pagod na ako" tuloy tuloy lang ang luha nito
"Ayaw mo na ba siyang makasama pa"
Napayuko si John "Gus..tong gusto ko, galit ako sa kanya pero kapag nakikita ko siya nasasaktan ako na wala na siya sakin. Nami..miss ko na siya"
"Suyuin mo siya muli"
Umiling si John "Natata..kot akong tanggihan niya ako"
"Tingin mo ba hindi ka talaga minahal ni Sam?"
Nag iwan ng mahabang pag iisip ang tanong na iyon, naging malinaw sa puso niya ang sagot. Alam niyang minahal siya ni Sam, di siya nito iniwan sa lahat ng pagkakataon. Lalong lumabas ang mga luha niya ng maalala lahat ng pinagsamahan nila
"Kung di mo kayang makipagbalikan, wag ka naman sanang magalit sa kanya dahil tingin mo naawa lang siya sayo. Wag mong hayaang sirain ng galit ang alaala niyo" niyakap niya si John
"Tahan na, di kita iiwan"
Lumakas ang iyak ni John ng maalalang di na niya kasintahan si Sam at may iba ng nagpapasaya dito.
Sa kama siya ni Shone inihiga ni Jaden, sa dami ng nainom niya ay di na niya magawang lumakad papasok sa silid kaya inalalayan siya nina Kyle para maihiga.
Hindi nagtagumpay ang alak na patulugin siya, mabigat man ang pakiramdam niya ay nanatiling gising ang diwa niya, puro alaala nila ni Sam ang nasa isip niya. Hinaplos niya ang kamang minsan ding hinigaan nila ng kasintahan.
Kung nag isip lang sana siya, hindi nalang sana niya inisip na kinaawaan lang siya ni Sam edi sana sila pa, sinayang niya ang oras na sana nakahingi pa siya ng tawad dito noong gabing nakipagkita ito.
Gusto niyang saktan ang sarili sa pagsisisi sa lahat ng nagawa sa relasyon nila ni Sam. Paano niya nagawang saktan ang unang taong nagmahal sa kanya.
Mababawi niya pa ba si Sam, gayong di nga ito makatingin ng diretso sa kanya at kung magtama man ang kanilang mata sa tuwing nagkakasalubong at masama naman ang titig sa niya.
"Gusto mo bang maglaro tayo" tanong ni Eugene ng maabutan na naman siya nitong tulala at nakaupo lang sa kama
Umiling siya, humiga siya at tumalikod dito. Naramdaman na lang niyang humiga din ito sa kama at maya maya ay yumapos na ito sa likod niya. Di niya pinatagal iyon, tinanggal niya braso nito.
"Anong problema mo, wala ka ba sa mood"
"Iwan mo ako. Gusto kong mapag isa"
Araw ng linggo iyon kaya walang praktis si Eugene at may oras siya para kay John.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Teen FictionCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...