Unti unting nasanay sila sa ganung sitwasyon pero di pa rin nawawala ang iyakan sa tuwing ihahatid ni Sam sa airport ang minamahal, kalahati ng bakasyon ni John ay para sa mga kaibigan at para sa kanilang dalawa ni Sam ang kalahati, kungsaan ay nagpupunta sila sa ibang lugar. Nanatili ang mga kuwintas nila sa mga leeg nila na galing kay Sam, wala pa silang balak palitan iyon ng singsing na balak nilang gawin kapag graduate na sila.
Ito na ang huling bakasyon ni John para sa huling taon niya sa kolehiyo, kaya mas nasabik silang makita ang isa’t isa. Ang plano ni John kapag nakagraduate na siya ay babalik na siya ng bansa para dito na magtrabaho at makasama na si Sam, nais niyang gamitin ang pinag aralan sa pagtatrabaho sa bansa niya, di tumutol ang mga magulang ni Jaden sa nais niya, bagkus ay ipinakilala pa siya sa kilala ng mga itong may ari ng isang sikat na kompanya na gusto siyang kunin pagkagraduweyt niya.
Si Jaden ay doon na magtatrabaho kaya si Kyle na ang lilipad papunta sa kasintahan upang doon na rin magtrabaho.
Pero ang kasabikan ni Sam ay nawala ng makatanggap siya ng mensahe kay John, gabi bago ang nakatakdang pagdating nito. Sinabi nitong di matutuloy ang pag uwi nito dahil may dapat itong ipasa pa sa school.
Malungkot ang muka ni Sam ng humarap siya sa camera, nang tumawag si John ng gabing din iyon.
“Mahal, bakit ganyan ang muka mo?”
“Sabi mo uuwi ka”
“Biglaan kasi, malapit na naman ako grumaduate, kaya magkakasama na tayo ng mas matagal”
Hindi naging sapat iyon para ngumiti si Sam, na ikinalungkot ni John.
“Sige pipilitin kong makauwi kahit ilang araw lang tayong magkasama para di ka na sumimangot dyan”
“Kung napipilitan ka lang wag na”
“I love you” nakangiting sabi ni John
“I love you too” sagot din ni Sam na sa wakas ay ngumiti din
“Pangako, aayusin ko ito ng mabilis para makauwi ako”
“Okay na, malapit na naman tayong grumadweyt kaya maghihintay nalang ako”
“Ang dami ko pa naman plano, naudlot tuloy ang pananabik mo sakin”
“Sayang, Bro. Papayag na sana akong gawin natin iyon”
“Tigilan mo nga ako, Samson. Baka bigla akong umuwi” kasunod ang tawa
“Seryoso ako, graduation gift ko sana sating dalawa”
“Seryoso?”
“Oo nga, pero okay na din para mas mahaba ang maging paghahanda ko”
Napahalakhak si John, seryoso ang muka ni Sam habang sinasabi iyon na nagbigay kiliti sa kanya.
“I miss you so much, bro”
“I miss you too. Maliligo ako pero gusto ko panoorin mo ako”
“Tumigil ka nga”
“Bakit naman, tiyak akong katawan ko lang din naman ang gusto mong makita, kaya ka excited ka na umuwi ako”
“Sige na maligo ka, kailangan ko na din matulog para maaga akong makapunta sa sementeryo, isusumbong kita na mas pinili mo ang school mo kaysa samin”
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Teen FictionCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...