Maagang kinontak ni John si Shone sa cellphone upang magpaturo kung paano magbake ng cake. Mabuti nalang at maaga din ang pasok nito at ni Danny kaya di siya masyado nakaabala. Nabili na rin niya ang mga ingredients na nabasa niya sa internet.
Ngayong ikadalawang taon nila bilang magkarelasyon ni Sam ay nais niyang siya mismo ang magbabake ng paborito nitong chocolate cake. Hindi niya inasahan na mahirap din pala iyon. Dismayado siya sa itusra nito na di nakakatakam kainin.
“Happy anniversary, wag mo sanang paiiyakin ang kapatid ko ha” sigaw ni Danny sa cellphone na katabi ni Shone, di niya gets kung dapat matuwa siya sa pagbati ng kuya ng nobyo na tila may ibang ibig sabihin.
“Huwag mo siyang pansinin” sabi ni Shone na nasa kabilang linya
“Oo naman” sagot niya lang
“Tiyak magugustuhan niya iyan kasi ikaw ang gumawa niyan”
“Salamat sa oras”
“Basta ikaw. Bye, sasakay na kami ng train” paalam ni Shone
Nabura ni Danny ang ngiti niya at excitement dahil sa sinabi nito, napatitig siya sa makalat na ayos ng cake, hindi pantay ang icing sa bawat gilid nito at ibabaw dahil kinulang na at ang ibabaw nito ay may nakalagay na “I LOVE YOU BRO” hindi rin masyado mabasa dahil sa panginginig ng kamay niya kanina. Napakamot siya, matutuwa ba ang mahal niya sa cake na ito na mukang tira tira na sa itsura. Pinilit niyang muling ngumiti, kailangan masaya siya kasi mamaya darating na ang nobyo, di na niya dapat damdamin pa si Danny dahil noong pinakilala pa lang siya ni Sam bilang kasintahan ay di naging masaya ng muka nito. Malamig din ang pakikitungo nito sa kanya di katulad ni David na nabibiro niya pa, gusto niya mang tanungin kung bakit ganun si Danny sa kanya subalit, natatakot siyang magkasagutan sila nito. Alam niyang mahal na mahal ito ni Sam kaya kailangan niya nalang intindihin ito.
Araw ng sabado, wala silang klase pero si Sam ay pumunta sa kamag anak nila kasama ang ama at si David, kaya baka maya maya pa ito makapunta sa dorm. Ang usapan nila ay kakain sila sa labas pero sa dorm sila magkikita, wala itong ideya na gagawa siya ng cake na dadalhin na lang niya sa kakainan nila, kaya wala siyang biniling pagkain.
Napatingin siya sa oras sa cellphone niya, 11:30 am na, narinig na niya ang pag ingay ng kanyang tiyan, hinaplos niya iyon. Di pa siya pwedeng kumain dahil baka mabusog siya at di na makakain mamaya.
Itinago niya muna ang cake sa refrigerator, papasok muna siya sa kanyang silid upang magpalipas ng oras. Walang katiyakan ang eksaktong oras ng pagdating ng nobyo, wala rin itong reply sa mga tanong niya sa text, maaaring busy ito. Magandang pagkakataon din iyon para sa kanya upang makapaglaro ng mobile games, na di niya magawa ng matagal dahil nagagalit si Sam.
Pagkababang pagkababa ni Sam sa taxi na sinakyan niya ay tumakbo na siya papasok sa dorm. Dumeretso siya sa silid ni John ng wala siyang nadatnan sa dining. Hingal na hingal man ay napangiti siya na nakita niya itong nakahiga sa kama ay mahimbing na natutulog, tumutunog pa ang cellphone nitong nasa dibdib nito na nakatulugan nito. Pinunasan ni Sam ng panyo ang pawis sa noo at leeg niya, inilapag niya sa desk ang bag niya at ang isang plastic na dala niya.
Hinubad niya ang sapatos niya at umupo sa tabi nito. Kinuha niya ang cellphone nito upang patayin ang game nito at inilapag ito sa tabi ng unan. Umibabaw siya dito at niyakap ito. Hinalikan niya ang pisngi nito na nakapagpagising dito. Ikinagulat nito nang makita agad ang muka niya pagkamulat na mulat palang ng mata nito.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Teen FictionCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...