"Good morning po!" bati ni John sa ama ni Sam na nagbukas ng pintuan dahil sa maaga niyang pagdoor bell, nagtaka si Jinu kung bakit napaka aga nito, alas singko palang ng umaga noon, kakagising niya lang din upang maghanda ng almusal para sa mga anak. Dahil sa baba ng gate nila ay nakita niya agad si John. Pinapasok niya ito sa loob ng bahay.
"Ang aga mo ata"
Pagkatapos ng ginawa ni John noon kay Sam ay ngayon nalang muli siya kinausap ng ama nito, hindi niya matignan ito ng diretso. Hindi kasi sinasagot ni Sam ang tawag niya kaya naglakas loob siyang magdoorbell nalang.
"Pasensiya na po at nagising ko po kayo"
"Nag almusal ka na ba, magluluto palang kasi ako"
"Tapos na po" sa suot niyang sapatos niya itinuon ang tingin
"John"
Itinunghay niya ang ulo niya upang tumingin dito. "Po?"
"Pakiusap wag mo ng saktan ang bunso ko. Nakita ko kung gaano siya nalungkot ng naghiwalay kayo, ayokong makita muli iyon. Mahal ka niya ng sobra sana ganun mo din siya kamahal"
"Tito, hindi po nagbago ang pagtingin ko sa anak niyo simula noong una ko siyang nakita, naging makasarili po ako na lubos ko pong pinagsisisihan. Tutuparin ko po ang pangako ko sa kanya at ang pangako ko sa inyo na papakasalan ko po siya"
Ngumiti si Jinu, tinapik niya ang pisngi ni John "Maniniwala ako sayo. Excited na akong dumating ang oras na Dad na rin ang itawag mo sakin"
Hindi nakasagot si John sa kaligayahang dala ng sinabi nito, naiiyak siya kaya napayuko nalang siya, natawa si Jinu at niyakap ito "Wag kang umiyak, baka isipin ni Sam pinagalitan kita" kumlas na siya sa pagkakayakap kay JOhn, mamasa masa ang mga mata ni John "Sige akyatin mo na siya doon"
"Salamat po" yumuko siya ng paulit ulit bilang pasasalamat
"Sige na puntahan mo na si Sam baka naiinip na iyon"
Nakangiting tumalikod si John at naglakad papunta sa direksyon ng hagdan paakyat sa silid ng nobyo.
Nakadalawang katok siya bago nagbukas ng pinto si Sam, hindi siya nagsalita upang di nito malaman na siya ang nasa labas ng pinto ng silid.
"Ano..ng ginagawa mo dito" taka ni Sam nawala ang antok nito ng makita siya
Hindi sumagot si John bagkus ay niyakap niya ang kasintahan.
"I miss you so much" bulong ni John
"Bro" nasambit ni Sam at ginantihan ng mahigpit na yakap si John
"Bakit ka nandito diba sabi ko sayo may pupuntahan kami" tanong ni Sam noong nagkahiwalay na sila mula sa pagkakayakap
Sinuklay ng mga daliri ni John ang magulong buhok ni Sam "Bawal ba kitang makita, inagahan ko na nga kasi baka di tayo magkita mamaya"
Hinawakan ni Sam ang labi ng nobyo "Ang dry ng lips mo" puna niya ng mapansing nagbabalat balat ito. Hinagkan ni Sam ang labi ni John
"Mag ingat ka doon" bilin ni John ng muli silang magyakap
"Nag aalala ka na naman, nanaginip ka na naman ba"
"Hindi" hinigpitan pa ni John ang pagkakayakap sa nobyo at idinikit pa ng maigi ang katawan nito sa katawan niya "Natatakot akong mawala ka sakin"
"Bro, maging poistibo ka lang pwede ba"
Hinalikan ni John ng maraming beses ang magkabilang pisngi at noo ni Sam.
"Ang weird mo pero gusto ko ang ginagawa mo" nakangiting sabi ni Sam "Gusto tuloy kitang isama kaso baka ayaw kang makita ni kuya Danny"
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Teen FictionCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...