KABANATA 28

44 5 0
                                    

Sobrang sama ng loob ni Sam sa ginawa ni John na pakikipaghalikan sa Eugene na iyon kahit pa naroon siya, at paano siya napunta sa dorm gayong si Julius ang kasama niya kagabi, posible kayang napagod ito na makinig sa hinaing niya tungkol kay John at dinala siya nito sa dorm. Napabuntong hininga siya habang nakaupo sa waiting shed, napatingin siya sa suot niya, na damit ng dating kasintahan, wala na talaga silang pag asa, ang pagsuot nalang sa mga damit nito ang tanging paraan upang mayakap ito.

           “Samson!” tawag ni John na tumatakbo palapit sa kinauupuan niya, tumayo siya upang salubungin ito, magkahalong inis at tuwa ang nararamdaman niya

           “Bakit na naman ba” galit kunwaring sabi niya

           “Naiwan mo ang wallet mo, natanggal ko kagabi sa damit mo”

           Hinablot niya iyon sa kamay ni John at mabilis na ibinulsa.

           “Salamat” pang asar na tono niya “Pwede mo na akong iwan”

           “Nagagalit ka ba dahil sa kiss?”

           “Bakit naman ako magagalit doon, di na naman tayo. Malaya kang halikan kahit sinong gusto mo”

           “So pwede kitang halikan” nakangiting sabi ni John na lalong ikinairita ni Sam

           “Pinagtitripan mo ba ako ha”

           “Di na naman tayo pero gusto kitang halikan, kakasabi mo lang pwede akong humalik ng kahit sino”

           Umikot ang mata ni Sam at iniwas nalang ang tingin sa kaharap sa kalsada nalang siya tumingin, upang di mahalata nitong ikinukubli niya ang kilig niya.

           Tumawa ito kaya muli niya itong binigyan ng tingin.

           Isinuot nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa “Gets ko na. Kung hindi niya siguro ako hinalikan kanina baka hindi ka magagalit sakin, baka ikaw pa ang humalik sakin diba”

           Kinurot ni Sam ang leeg ni John “Aray!” malakas na daing ni John “Di na kita boyfriend, bakit ka nanakit”

           “Umalis ka na nga. Iwan mo na ako” tulak niya sa balikat ni John

           “Oo na. Pero mahihirapan kang sumakay dito kasi maaga pa, dalawang oras pa bago may dumaan dito , mabuti pa magtaxi ka na”

           “Umalis ka na John, wag kang mag alala sa di mo boyfriend. Baka inaantay ka na ni Eugene doon”

           “Buti ipinaalala mo, may tatapusin pa pala kaming gawin doon”

           “Alis na” tulak pa ni Sam sa inis sa sinabi ni John

           Napangiti si John dahil nagtagumpay siyang makita itong nagseselos “Ang cute mo pa din” mahina niyang sabi

           “Anong sabi mo?”

           “Wala sige na bahala ka na sa buhay mo” tinalikuran na ni John ito at naglakad paalis

           “Di man ako pinilit ihatid” naiinis niyang sabi habang nakatanaw sa naglalakad na palayong minamahal

           “Sam” tawag ng lalaki sa harap niya na nakasakay sa sasakyang huminto sa harap niya, di niya napansin ang paghinto nito, abala kasi siya sa pagtanaw kay John.

           Hindi siya lumapit dito dahil malinaw naman ang boses ng kaklaseng si Marlon. Kulot ang buhok nito, may kaitiman ang balat at hindi rin katangkaran. Pero may kaya sa buhay kaya may sarili nang sasakyan sa murang edad

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon