KABANATA 10

48 6 0
                                    

Ginawa ni John ang lahat upang maitago sa nobyo ang kanyang grades, kinausap niya pa si Justin na wag sabihin dito ang nakukuha niyang mga marka sa bawat pagsusulat nila. Si Justin na ang nagaadjust at pinapakopya na dito ang mga sagot sa takdang aralin at kapag may mga quizzes sila. Mabuti nalang talaga kaklase niya ito dahil di siya pinababayaan. Kapag may libre silang oras ay tinuturuan siya nito ngunit walang pumapasok sa kanyang isip kaya si Justin nalang ang sumusuko at ibinibigay nalang ang sagot.

            Simula pa noon ay sadyang mababa na ang mga nakukuha niya pero kahit papaano ay nakakapasa, ngunit simula ng maging kasintahan na niya si Sam ay lalo siyang nawalan ng oras na gumawa ng mga takdang aralin at magreview. Sinasabi niya lang kay Sam na ginagawa niya ang mga takdang aralin kapag nasa dorm siya. Alam niyang maiisip ni Sam na siya ang dahilan ng mababa niyang marka kaya pinili niyang di sabihin dito.

           Tuwing sabado ay sumama si Sam dorm ni John kapag umuuwi siya, para lang linisin ang silid nito, si Sam ang nagtutupi at naglalagay sa kabinet ng mga nakuhang damit ni John sa laundry. Kahit pigilan ni John ang nobyo ay di ito nakikinig, masaya daw si Sam na inaasikaso ito. Tumatambay ng hanggang alas sais ng gabi si Sam doon, pero di siya natutulog doon dahil na rin di papayag ang kanyang ama.

           Hindi naalala ni John na naiwan niya nga pala sa lamesa sa silid niya ang report card na ibinigay sa kanila para sa unang semester, huli na nang maalala niya iyon dahil nasa kamay na iyon ng nobyo.

           “Anong nangyari?” taka ni Sam habang nakatitig sa report card

           Inagaw iyon ni John at inipit sa libro niya “Wag mo nang intindihin ito, dumating na ang order na food”

           “Tinignan mo ba kung gaano karami ang bagsak mong subject?”

           “Mahal, problema ko naman iyan at isa pa may second semester pa”

           Hindi nagbago ang seryosong muka ni Sam kahit pa pilit pinapagaan ni John ang sitwasyon

           “Graduating na tayo, alam mo namang importante ang year na ito”

           “Anong gusto mong gawin ko. Ginagawa ko naman lahat sadyang bobo lang ako”

           Yumakap si Sam sa nobyo “Tutulungan kita, mag aaral tayo ng sabay”

           Inalis ni John ang mga braso ni Sam at inilayo ito sa kanya “Ako nang bahala”

           “Boyfriend mo ako pero bakit pakiramdam ko ayaw mo akong isali sa personal mong buhay”

           Napakunot ng noo si John “Ano ba iyang sinasabi mo. Samson wag kang gumawa ng issue”

           “Simula ngayon mag aaral tayong dalawa”

           “Kapag ginawa natin iyan lahat ng oras nating magkasama mapupunta lang sa pag aaral”

           “Ano naman”

           “Ayoko ng ganun”

           “Kailangan nating gawin iyon para parehas tayong grumaduate. Kung ayaw mong tulungan kita edi magpapabagsak nalang din ako”

           “Sam_”

           “Kung di mahalaga sayo na grumaduwayt tayo ng sabay, sakin mahalaga iyon”

           Hinila ni John ang braso ng nobyo at niyakap niya ito “Okay, sige na para sayo, sisikaping kong pumasa na sa susunod”

 

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon