Wala pa ang guro nina Justin at John kaya kinain nila ang dalang pagkain ni Justin, sinadya talagang magbaon ni Justin ng marami dahil alam niyang matakaw ang kasama niya. Apat na burger ang binili niya kanina sa fastfood bago pumasok, hindi na rin kasi siya nakakakain ng agahan sa bahay nila dahil di na nakakapaghanda ng agahan ang kuya Kevin niya na parating gabi na nakakauwi dahil sa klase nito sa kolehiyo. Para hindi siya mahiya kumain sa klase ay idinadamay na niya ang katabing si John. Tanghali na siya nagigising sa umaga kaya hindi sila nagkikita ni Travis sa umaga para sana kumain sila sa canteen.
Isang kagat pa lang ni John ng burger ay nangalahati na ito, bukol na bukol ang mga pisngi nito. Nakangibit lang si Justin habang pinapanood ang kaibigan.
“Alam ko na kungsaan ka mamatay” sabi ni Justin na ngumunguya.
Sinundot ng daliri ni John ang tagiliran ni Justin na ikinakiliti nito. Natawa si Justin na natakpan ang bibig dahil sa muntikang maluwa ang nasa bibig niya. Tinakpan din ni John ang bibig niya upang pigilan ang tawa.
“John magdahan dahan ka nga, baka kapag namatay ka magalit sakin si Sam” nakatawang sabi ni Justin
Binuksan ni John ang bote ng tubig ni Justin at uminom, wala namang reklamo si Justin dahil close naman sila.
Nang mawala na ang nasa bibig ni John saka ito nakapagsalita “Wag ka na ngang magpatawa” sabi ni John na tinatanggal ang pabalat ng kalahating burger upang sunod na kainin
“Di ka ba pinapakain ni Sam at ganyan ka” kasunod ang pagkagat
“Iba pinapakain niya sakin” pilyong ngumiti si John kasunod ang halakhak
Nailuwa ni Justin ang kinakain sa lamesa sa sobrang tawa.
“Kadiri ka”
Napayuko si Justin sa lamesa na patuloy sa pagtawa, nang inangat nito ang muka ay pulang pula ang buong muka nito na wala nang mata sa laki ng ngiti. Hinampas niya ang braso ni John “Bwisit ka”
Hindi naman nakakaabala ang ingay nila, dahil may kanya kanyang kumpulan din ang mga klase nila na mas nangingibabaw ang ingay.
“Ano ba kasi ang iniisip mo?”
“Wala” tanggi ni Justin sa maruming pag iisip niya
“Ikaw ba ano pinapakain ni Travis sayo” pagbibiro muli ni John
Napahawak si Justin sa tiyan niya sa sakit sa kakatawa, inilapag niya sa lamesa ang hawak niyang burger na hindi pa masyado nakakagatan.
Tumatawa man si John ay ipinagpatuloy niya ang pagkain.
“Bwisit ka talaga” kurot pa ni Justin sa braso ni John
“Aray!” daing ni John na abala sa pagnguya
Umubo si Justin at huminga ng malalim upang matigil na ang pagtawa “Tama na pasubuin mo naman ako”
“Di pwede kay Sam lang ito” tumingin pa si John sa pants niya at muling bumalik ng tingin sa katabi. Sabay tawa
Muling namula ang buong muka ni Justin. Binatukan na niya si John, saka siya tumawa “Ang kulit mo”
“Kumain ka na nga lang”
“Tama na naman muna John, di ko na ito mauubos” nilinis niya ang nailuwang pagkain at nilagay sa pinaglagyang paper bag, pinunasan niya ang lamesa niya.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Teen FictionCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...