KABANATA 36

43 3 2
                                    

Nakaanim na oras ang naging tulog ni John, na pinakamahabang oras na tulog niya mula ng maospital si Sam ilang buwan  na ang nakakalipas, nagising siya sa tunog ng cellphone niya. Isang mensahe galing kay Justin ang natanggap niya na agad niyang binuksan.

           Wala na siya

           Napahagulgol siya sa mensaheng iyon, wala na ang pinakamamahal niya, iniwan na siya ng taong nangakong papakasalan siya. Paano na niya haharapin ang bukas na wala nang Sam na nag aantay sa kanya. Tumakbo siya palabas ng dorm, naghanap siya ng masasakyan kailangan niyang makita si Sam sa huling pagkakataon, masakit man iyon na ginawa na niya noon sa mga magulang pero pagsisisihan niyang wala siya sa tabi nito.

           Nag iiyakan ang mga kapamilya at mga kaibigan nila ni Sam ng makapasok siya sa silid, wala nang oxygen na nakalagay sa bibig ng kanyang minamahal, mas malaya na siyang mahahalikan ang labi nito. Nanginging ang buo niyang katawan habang papalapit dito, ayaw niyang maniwala na di na gigisng pang muli ito, yumakap siya ditong humahagulgol.

           “Bak..it mo..ako ini..wan” sigaw niya “Di..ko kaya.. Samson!! Pakiusap gu..mi…sing ka” sigaw niya “Bro, ba..kit!!!”

           Malamig na ang katawan nitong mas lalong nagpalakas ng iyak niya. Bakit kung kailan nahanap niya ang taong magbibigay ng tahanan sa kanya ay muli naman itong nawala.

           “Gu..mi..sing ka paki..usap!!!” yugyog ni John sa walang buhay na katawan ni Sam

           “John” hila ni Jaden sa kanya

           Tinapik niya ang kamay nito “Samson!! Wag mo..a..kong iwan..” mas lalong lumakas ang iyak niya

           Hinila siya ni Jaden at sinampal ang kanyang pisngi “Gumising ka John!” sigaw nito

           Napahinto siya sa pag iyak “John!” tawag pa nito

           Ipinikit ni John ang kanyang mga mata at muling iminulat ito. Nag iba ag kanyang paligid, inilibot niya ang tingin niya sa silid, nasa dorm siya.

           “Nanaginip ka” sabi ni Jaden

           Naiyak siya na nagpapasalamat na panaginip lang iyon. Buhay pa si Sam.

           Bumangon siya mula sa pagkakahiga “Gusto kong makita si Sam”

           Hinipo ni Jaden ang leeg niya “Mainit ka, tila may lagnat ka, di ka pwedeng lumapit sa kanya”

           Kaya pala sobrang bigat ng pakiramdam niya kanina noong umuwi siya. “Kahit silipin ko lang siya”

           “Sige, sige pero sasama ako”

           “Salamat” nararamdaman na niya ang pagbigat pa lalo ng katawan niya.

           Di mawala sa isip ni John ang pangit na panaginip niya, natatakot siyang maging totoo iyon, handa siyang mag antay ng kahit gaano katagal basta nandyan lang si Sam, humihinga at mainit ang katawan. Nais niyang mahawakan ito upang maibsan ang takot niya, ngunit dahil may iniinda siyang lagnat ay di siya makakalapit dito.

           Sinilip niya lang ito sa pintuan, medyo nabawasan ang sakit sa dibdib niya ng masiguro niyang buhay ito. Nakaupo sa labas si Danny na kausap ni Jaden, narinig niya sa usapan ng mga ito na kanina daw ay nag 50/50 ang lagay ni Sam. Muling bumalik ang takot niya. Di rin sila nagtagal sa ospital, kailangan niyang magpagaling upang makalapit na muli sa minamahal. Isinabay na nila si Danny sa taxi. Si Jaden ay umupo sa harapan sa tabi ng driver, kaya naging magkatabi sina John at Danny.

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon