Balot na balot ng kumot si Sam at mahimbing na natutulog, mabilis siyang nakatulog buhat ng dumating siya kanina mula sa pamamasyal nila ni Justin, marahil ay sa pagod kaya nakatulog siya agad. Di na niya tinext si John, gaya na rin ng usapan nilang walang tawagan or text para sa araw na ito.
Naging masaya ang araw niya kasama si Justin kaya di niya masyado namalayang di niya kasama si John, di niya namiss ito habang kasama niya ang kaibigan. Sanay kasi sila noon ni Justin na pumunta ng Mall tuwing weekend upang tumambay lang doon, noong sa bahay pa nito siya nakatira. At umaasa sila na maulit ang gala nilang dalawa.
Bahagya niyang naimulat ang kanyang kaliwang mata ng tumunog ang cellphone na nakapatong sa unan ni John, tiyak niya kung sino ang tumatawag sa kanya ng ganung oras, at malamang hindi iyon ang unang beses na tumawag ito, inaasahan na niya ang mataas na boses nito sa kabilang linya, kaya matagal niyang tinitigan ang pangalan nito sa screen, napatingin siya sa oras 02:32 am, hindi talaga mag aantay ng liwanag ang nobyo niya kahit alam naman nitong tulog pa siya ng ganitong oras ay mangungulit ito kaagad.
Hindi niya sinagot iyon upang maipagpatuloy niya pa ang kanyang tulog, pero ikinabigla niya na pang dalawangpung missed call iyon, at tatlongpung mensahe na iisa lang ang nilalaman
“Nasa labas ako, Mahal. Buksan mo ang bintana mo” baliw na talaga si John, sabi niya sa isip niya. Pinilit niyang tumayo, binuksan niya ang bintana at nakita niya sa ibaba si John, yakap yakap nito ang sarili dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat nito. Agad niyang kinuha ang mahabang tela na kakapitan nito upang makaakyat, itinali niya iyon sa ilalim nang kama. Mabuti nalang talaga at may kabigatan ang kama niya kaya nakakaya nito si John.
Habang pinapanood niyang makalapit si John ay kasabay noon ang kaba niya, antok na antok pa siya kaya ayaw niyang magbangayan sila ngayon. Kapag di niya kasi sinagot ng maayos ito, tiyak wala na naman katapusan away nila.
Nang makaakyat na ito, agad niyang itinuon ang pansin sa paghila ng kumot at pagsara ng bintana habang si John abala sa panonood sa kanya. Tiyak na sabay na sila nitong papasok dahil suot na nito ang polo shirt nito. Hindi ito umimik, tinanggal nito ang suot na polo at isinampay iyon sa upuan, pati ang doble nitong Tshirt ay hinubad din nito.
“Bro malamig” pag aalala niya
Hinaltak ni John ang baywang niya at agad na hinalikan. Napapikit nalang siya at niyakap ito. Nang maramdaman niya ang malambot na labi nito ay doon niya naramdaman kung gaano niya namiss ito. Nawala ang antok niya sa mapusok na halik ng nobyo. Kapwa sila nasabik sa isa’t isa. Dahan dahan siyang inihiga ni John, sa kama nila ipinagpatuloy ang kanilang mainit na halik. Base sa paghalik ni John sa kanya masasabi niyang di ito galit sa kanya. Ipinaramdam nitong sobra siyang namiss.
“Sorry kung di ko nasagot ang tawag mo” sabi ni Sam ng bumitiw siya sa labi ng nobyo
“I miss you so much” dumampi muli ang labi ni John
Bumitiw muli si Sam na nakayapos ang mga braso sa batok ng nasa ibabaw na nobyo. “Bakit ang aga mo kasi”
“Di ako makatulog na di ka katabi, ang laway mo at ang mainit mong katawan ang pampatulog ko”
Napangiti si Sam sa kilig “I love you bro”
“Pero mukang nakatulog ka nang wala ako sa tabi mo” tampo nito, humalik ito sa pisngi ni Sam
“Pagod kasi ako”
“Pwede pa ba kitang pagurin ngayon” ngumisi si John kasunod ang pagpasok ng kamay sa short ni Sam
Niyapos ni Sam ng mahigpit ang nobyo upang magkalapit muli ang kanilang mga labi.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Teen FictionCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...