Naging madamot si David kay Danny. Ni hindi na ito umalis sa tabi ng kapatid upang hindi makalapit si Danny, si Jun ang naging kapalitan ni David kapag kailangan nitong umuwi ng bahay. Sinunod nito si David na wag palalapitin si Danny. Kaya noong nagpumilit ito ay nasuntok ni Jun ito.
Nagpatuloy sa pagpasok sa trabaho ang kanilang ama para sa pang gastos nila sa ospital. Nagpadala din ang ina ni Sam ng pera, hindi ipinaalam iyon ni Jinu sa anak na si David dahil tiyak na ikakagalit nito iyon.
Hindi na pumasok sa school si David, kahit anong pilit ng ama nito ay di niya ginawa, mas gusto niyang manatili sa tabi ng kapatid hanggang sa magising ito.
Katulad ni David ay wala rin sa sarili si Danny. Si Shone ang gumagawa ng mga kailangan nitong ipasa. Hindi man siya kinakausap ni Danny na maghapon lang nakahiga at umiiyak ay nagpapakatatag si Shone na makikita rin ni Danny na hindi siya mag isa.
Araw araw na naroon sa ospital si John, siya ang naghihilamos sa nobyo. Parati niya ring kinukwentuhan ito. Di niya pinarinig dito na lubos siyang naapektuhan sa nangyari dito. Sabi kasi ni Kyle naririnig ni Sam ang sinasabi nila.
Pekeng kwento ang sinabi at pekeng ngiti ipinapakita niya sa minamahal upang hindi ito mag alala sa kanya, tiyak niyang malulungkot ito kapag malungkot siya, pero ang totoo araw na araw na pag iyak ang ginagawa niya sa dorm. Di na rin niya naasikaso ang mga kailangan sa pag alis niya sa pag aaral sa amerika, para saan pa kung mag aaral siya kung ang inspirasyon niya ay hindi nakikita ang effort niya para sa pangarap nila.
Hanggang kailan niya kailangang magtiis. Hanggang kailan niya makakayang magpanggap na masaya. Kung paglabas niya sa silid na iyon, babalik ang takot at pag aalala.
Ulila na siya sa mga magulang na hanggang ngayon ay di niya pa rin matanggap. Tapos ngayon ang nobyo naman ang nasa ganoong sitwasyon. Sukong suko na siya sa pagpapahirap ng kapalaran sa emosyon niya.
Di niya ba deserves ang maging masaya at pati si Sam ay balak pang kunin sa kanya. Kung nakikita lang ni Sam ang itsura niya ngayon tiyak na hindi ito maniniwala na okay lang siya.
Nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata, lubog na ang kanyang mga pisngi. Sinasadya niyang di kainin ang ibinibigay na pagkain ni Jaden sa kanya. Sumusuko na siya. Apat na buwan na ngunit wala pa rin nagbabago. Naiinip na siya. Gustong gusto na niyang mahalikan at mayakap muli ito.
Nakaupo siya sa isang sulok ng madilim na silid at magdamag na umiyak.
“John” tawag ni Jaden, pinundot nito ang ilaw upang malaman ang kinaroroonan nito. Lumapit siya dito nang matagpuan ito.
“John kumain ka na muna”
Nakasubsob lang si John sa mga tuhod niya at humihikbi.
“Iwan mo muna ako”
Iniangat ni Jaden ang muka nito “Wag mo naman pabayaan ang sarili mo. Malulungkot si Sam kapag nakita ka niyang ganyan” maluha luhang sabi ni Jaden
“Iniwan na niya ako. Wala na si Sam” hagulgol nito
“Huwag mong sabihin iyan. Magigising siya”
“Sumusuko na ko. Pagod na akong maghintay” sigaw nito
“Hindi siya magigising kung di ka naniniwalang magigising siya”
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Fiksi RemajaCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...