KABANATA 18

42 3 2
                                    

Pagkatapos nang naging away nila ni Sam ay ipinilit ni John na magbago, lubos niyang pinagsisisihan na nasira niya ang cellphone ng nobyo dahil sa matinding pagseselos, at masakit para sa kanya na nakikitang malungkot si Sam, alam niyang ginagawa ni Sam ang lahat upang masave ang relasyon nila, sa kabila ng mga nagagawa niya dito. Kung may magagawa lamang siya upang mabura sa isipan ni Sam ang nakita nitong halikan nila ni Eugene, hindi niya ginusto iyon, maging siya ay nagulat sa ginawa nito, lasing na lasing kasi ito na inakay niya papasok ng silid, ngunit sa kalikutan nito at kalasingan niya din ay pati siya ay napahiga ng ihihiga niya ito. Natakot siya nang mga oras na iyon, pakiramdam niya nagkasala siya kay Sam sa paghalik sa iba, lalo pa siyang natakot ng makita niyang nakita ni Sam iyon. Natakot siyang baka iwan siya ni Sam, subalit sadyang mabait ang kasintahan at tinanggap siyang muli. Mabuti nalang at di matandaan ni Eugene ang nangyari sa kanila kaya di nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila, pero inaamin niyang natatakot siyang maulit iyon, lalo pa at napapansin niya ang mga katangian nito na hindi dapat kasi parang pagtataksil iyon. Hindi na rin siya gaanong naglalaro ng mobile games dahil na rin naging busy si Eugene sa praktis nito, tiniis niyang di maglaro upang maipakita kay Sam na higit itong mahalaga higit sa kahit ano.

           Bumawi man siya ay tila sadyang may nag iba, ang mga mata ng mahal niya ay parating malungkot. Di na ito kasing lambing ng katulad ng dati, tiyak na di nito matanggap na nakipaghalikan siya sa iba kahit pa bunga lang iyon ng kalasingan. Ayaw niyang magtanong dahil baka sumagot ito nang ayaw niyang marinig.

           Mahigpit niyang niyakap si Sam noong nasa dorm sila, kakauwi lang nila galing school, wala pa si Eugene na malamang gabi na ito makakauwi.

           “I miss you” bulong niya

           “Liligpitan ko pa ang mga gamit mo” kalas nito sa yakapan nila

           Hinayaan ni John na gawin nito ang nais, pinanood niya lang ito, itinupi nito ang mga damit na kinuha nila sa laundry.

           “Samson” tawag niya, nakaupo siya sa kama

           Lumingon si Sam sa kanya

           “Paano ako makakabawi sayo? Ayoko ng ganito. Magkasama nga tayo pero parating ang lalim ng iniisip mo. Napapansin ko din ayaw mong hinahalikan kita”

           Bumalik ang tingin ni Sam sa ginagawa. Dahil walang natanggap na sagot si John ay tumayo siya at lumapit, niyakap niya ang likod ni Sam “Wag tayong maghihiwalay please”          

           Hinawakan ni Sam ang kamay ng nobyo na nasa tiyan niya

           “Sabihin mo sakin ano ang dapat kong gawin” sabi muli ni John

           Humarap si Sam sa nobyo “Gusto ko ng space”

           “What?” pagkagulat ni John “Ayoko! Pag usapan natin ito, pangako di ako magagalit”

           Yumakap ng mahigpit si John sa nobyo na puno ng takot

           “Ayokong mawala sakin John pero nasasakal na ako”

           Hinigpitan pa lalo ni John, hindi niya napigil ang mga luha na kusang lumabas sa kanyang mga mata “Wag mong gawin sakin ito, Please”

           Kumalas si Sam sa pagkakayakap, nadurog ang puso niya na makitang sobra ang pag iyak nito “Ayokong mag isa, Samson”

           Naiyak na din si Sam, parang bata si John na nakikiusap. “Di ko ka..ya” si John

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon