KABANATA 11

47 5 2
                                    

Ginising si Sam ng halik ni John sa pisngi niya, ngumiti siya at hinigpitan niya ang yakap dito bilang tugon sa halik nito, nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata na inaantok pa. Napamulat siya ng maramdaman ang labi ng nobyo sa labi niya.

           “Good morning mahal ko” bati nito

           Ngumiti si Sam at idinampi ang labi niyang muli sa labi nito. “Bro kiss me more”

           Natuwa si John sa demand niyang iyon, na di nagdalawang isip na halikan siyang muli. Dahan dahan itinulak ng labi ni John siya upang tumihaya, umibabaw ito sa kanya. Niyakap niya ng mahigpit ang batok nito. Lumuwag ang kanyang pagkakayapos at nailayo ang labi dito ng maramdaman niyang ipinasok nito ang dila sa bibig niya. Takang taka ang muka niya sa di inaasahang ginawa nito.

           “Bakit?” natatawang sabi ni John

           “Ano iyon?” tukoy sa dila ni John na ipinasok nito sa bibig niya

           “Sabi mo halikan kita”

           “Kadiri” ngibit niya

           “Try natin” ilalapit pa sana muli ang labi, ngunit tumagilid ang ulo ni Sam

           “Ayoko niyon bro”

           Napahalakhak si John “Ang cute mo”

           “Saan mo na naman ba natutunan iyon?”

           Sa leeg nalang ni Sam idinako ni John ang halik “Napanood ko” angat ni John sa ulo niya upang sagutin si Sam

           “Kung ayaw mo noon sige wag na natin gawin”

           Hinila ni Sam ang nobyo upang mapahalik sa kanya muli.

           “Maligo na tayo mahal ko” nakangiting sabi ni John

           Nakangiting sumang ayon si Sam, binuhat siya ni John papunta sa banyo na nasa silid.

           Ipinagpatuloy nila ni John ang halikan nila sa loob ng shower, magkadikit ang kanilang basang hubad na katawan habang pinagsasaluhan ang mainit na halik, ang kamay ni John ay naging abala upang pasayahin pa ang nasa ibaba ni Sam. 

           Di tinupad ni Danny ang pangako nitong kakausapin si John kaya pareho silang nadismaya ngunit di na nila ipinaalala pa iyon kay Danny, hinayaan nilang panahon na ang gumawa nang paraan para magustuhan si John nito.

           Ang tanging hiling ni John ay maamin na ni Sam sa ama nito na hindi lang sila magkaibigan. Naiintindihan naman ni John ang rason ni Sam pero di niya maiwasang malungkot kapag itinatago nila ang relasyon sa harap nito, at ipinipilit ang anak na babae ng katrabaho nito kay Sam.

          

           Nagkayayaan sina David, Jun, John at Sam na manood ng sine na magkakasama. Kahit ang gusto nang magkapatid ay romance ang panoorin ay di sila nanalo sa pamimilit ng mga nobyo na Marvel movie ang panoorin. Sadyang nagkakasundo ang dalawa dahil parehong bully ang mga ito noon. Sumandal nalang si Sam sa balikat ng nobyo dahil sa kawalan ng interes niya sa pinapanood nila.

           Napatingin ang magkasintahan na sina Sam sa katapat nilang sina Jun, nang kumakain sila pagkatapos nilang manood ng sine. Pinagbabalat pa ni Jun si David ng hipon, samantalang si David ay sinusubuan si Jun sa ibang ulam na kinuha niya sa eat all you can buffet na kinainan nila.

           Napalingon si Sam sa nobyo na punong puno ang bibig sa pagkaing sabay sabay nitong kinakain. Wala man lang itong gagawin para gayahin ang nasa harap nila, Hati natin naman daw sila sa pagkaing kinuha ni John pero gusto niya ding subuan siya nito.

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon