Tinakpan nila ang kanilang hubad na mga katawan ng kumot, nakayapos si Sam sa nobyo at ang kanyang hita ay nakapatong sa hita ni John. Pareho silang gising, paulit ulit na hinalikan ni John ang noo ni Sam.
“Mahal na mahal kita Sam”
Ngumiti si Sam na nakapikit, hinaplos niya ang dibdib ni John, tumingala siya sa muka ni John “I love you so much Bro” sabi niya
Hinalikan ni John ang labi ni Sam, pinisil niya ang ilong ni Sam “Paano nalang ang gagawin ko kapag nakipaghiwalay ka sakin” nagulat si John ng biglang hawakan ni Sam ang nasa ibaba niya, agad niyang tinanggal ang kamay ni Sam doon “Wag mo nang gisingin yan mahal ko”
“Ang daya kasi ako lang ang pinasaya mo”
“Di ba nga sabi ko sayo babawi ako, di pa nga ako lugi kasi naramdaman ko naman ang katawan mo kaya sulit pa din” haplos niya pa sa pisngi ni Sam
Itinaas ni Sam ang kanyang ulo upang mahagkan ang labi ni John, umibabaw siya sa nobyo, niyapos ni John ang baywang niya. Lalong nag-init ang kanilang halik dahil magkadikit ang kanilang mga katawan lalo na ang nasa ibaba nila na nagbigay ng kakaibang kuryente sa kanilang mga katawan ng magdikit iyon.
“Mahal ko gusto ko magkaanak tayo” biglang sabi ni John nang magkahiwalay ang labi nila
Napatitig lang si Sam sa nobyo na biglang natawa “Ha?”
“Seryoso ako” pisil pa ni John sa isang pisngi ng puwetan ni Sam
“Kahit gawin pa natin iyon di mo ako mabubuntis” nakangiting sabi ni Sam
“Kaya ng technology”
Nawala ang ngiti ni Sam nang manatili ang pagkaseryoso ng muka ni John “Seryoso ka ba dyan”
“Gusto kong magkaroon ng tunay na pamilya kasama ka”
Nakaramdam ng lungkot si Sam sa sinabing iyon ng nobyo, alam niyang ulila na ito sa mga magulang kaya nga marahil nais nito ng sariling pamilya. Sa dalawang taon nila walang binanggit si John tungkol sa pamilya nito, nais niyang magkwento ito sa kanya ngunit kapag tinatanong niya ang tungkol sa pamilya nito ay iniiba nito ang usapan.
“Di pa naman ngayon” sabi ni John ng mapansing lumalim ang pag iisip ni Sam “Gusto ko lang magplano na ngayon. Tapos gusto kong makuha niya ang kabaitan, katalinuhan at pagiging mapagmahal mo”
“Bakit puro sakin. Marami din siyang pwedeng makuha sayo. Ang kagwapuhan mo at pagiging malambing mo”
“Payag ka ba?”
“Di madali iyan kasi ayokong magsuffer siya sa sasabihin ng ib_”
“Sam, poprotektahan ko siya”
“Mahaba pa naman ang panahon mapag iisipan pa natin iyan” idadampi niya sana ang labi niya sa nobyo, ngunit nagsalita ito
“Ayaw mo?”
“Gusto ko siyempre, biglaan kasi ang usapang ito di ako ready. Kung iyon ang bubuo sa pamilya natin bakit naman ako aayaw. Ang makasama ka sa habang buhay ay regalo na sakin at mas magiging masaya tayo lalo kapag may anak tayo”
Ngumiti si John, nakita ni Sam sa mga mata nito ang kasiyahan na ikinatuwa niya, kahit pa di pa siya handa sa ganung usapan ay masaya siya na ganun kaseryoso si John sa kanya.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Ficção AdolescenteCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...