KABANATA 14

41 4 0
                                    

Hindi naging madali kina Sam ang nais nang ama, nasanay na silang magkatabi sa higaan, ang init ng katawan ng bawat isa na kanilang pampatulog ay hinahanap hanap nila. Kaya magdamag ang kanilang pag uusap sa cellphone. Araw araw silang nagtatawagan kahit pa magkasama sila before 7pm, kulang ang oras na magkasama sila upang maibsan ang pagkamiss sa isa’t isa.

           Inaagahan ni John na gumising upang masundo niya sa bahay ng mga ito si Sam, dahil din doon ay nakakasama siya sa almusal ng mag aama, maging si Jun ay parating maaga din.

          

           Halos lahat naman sa school ay alam na magkarelasyon sila kaya di na sila nahihiya na magkaholding hands kapag naglalakad, at marami rin naman ang magkarelasyon na mga schoolmate nila, wala ring problema ang school sa nangyayari sa school na marami na ang nagkakagustuhan. Maging sila Travis ay malayang naglalambingan sa harap ng lahat. Di man masaya ang ama ni Travis sa nalaman tungkol sa kasarian ng mga anak ay wala itong ginawa upang tutulan ang mga gusto ng mga ito. Tinanggap niya ang mga anak, basta dapat makatapos ng pag aaral ang mga ito.

           Napahinto ang magkasintahan sa bulletin board. Binasa nila ang latest news doon. Naging interesado sila sa isang post doon na, naghahanap ng mananayaw para sa foundation day. Dahil na rin tanging dance lang ang walang club kaya magpapaaudition upang mapili ang sasayaw sa event.

           “Sali tayo, Mahal ko”

           “Matagal tagal na akong di sumasayaw”

           “Ako rin naman, sumasayaw lang ako sa P.E”

           “Sige subukan natin”

           Humalik si John sa noo ni Sam bilang pasasalamat sa pag sang ayon

           “Sana matanggap tayong dalawa” si John

           “Kahit ikaw lang masaya na ako”

           “Gusto ko dalawa tayo”

           Matagal nang pangarap ni John na sumayaw sa harap ng maraming tao kahit pa wala siyang praktis at kaalaman ay nais niyang sumali, si Sam naman di na bago sa kanya ang pagsasayaw, dahil dati na rin siyang member ng dance group sa school niya sa probinsya.

           Excited na kinakabahan si John habang nakapila sila sa palistahan ng mga sasali sa audition. Mahaba ang pila kaya panay ang sabi nitong baka di siya makuha kasi halatang may talent ang iba, hinigpitan ni Sam ang hawak sa kamay nito kapag napanghihinaan ito ng loob, at walang takot na niyayakap ito sa gitna ng pila, ang mga estudyante nalang na umiiwas ng tingin sa paglalambing niya.

           Sampung miyembro lang din ang kukunin sa kabila ng madami ang mag pumila.

           “Bro, alam kong makukuha ka, kasi magaling ka sa lahat ng bagay” sabi ni Sam habang nakayapos sa nobyo

           “Di ko alam. Ang lamugin ang katawan mo iyon lang ang kaya kong gawin” biro ni John 

           Natawa sila pareho, humalik si John sa pisngi ni Sam “Kahit isa man lang satin, Mahal ko masaya na ako”

           “Mas deserve mo”

           “Galingan mo din para parehas tayo” sabi ni John

           Pagkatapos ng isang linggong prepasyon para sa audition ay magaganap na ito,  naging tahimik lang si John sa buong oras na hindi pa tinatawag ang number nito. Di ito mapakali sa tuwing magaling ang mga nauunang sumasalang sa mga judges, na binubuo ng mga guro ng P.E, sa iba’t ibang grade, at dalawang master sa dance na bisita.

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon