KABANATA 15

27 4 0
                                    

Sinunod ni Sam ang nobyo na wag nang manood ng praktis nito, at base sa mga kwento nito kapag tumatawag kapag tapos na ang praktis ay parati siyang napupuri ng choreographer at siya daw ang pinakamagaling sa grupo kaya siya ang ginawang center. Naging madalang ang pagsasama nila, kadalasan tuwing nasa break lang sila nagkakasama sa rooftop, di nila pinaghihiwalay ang kanilang mga labi hanggang sa magbell upang mapunan ang mga oras na di sila magkasama.

           Di inasahan ni John na makita sa labas ng studio si Sam noong natapos na ang praktis, malamig sa labas kaya yakap yakap nito ang sarili upang labanan ang malamig na simoy ng hangin. Patakbong lumapit si John sa nobyong di napansin na lumabas na pala siya.

           “Anong ginagawa mo dito?” masungit na tanong ni John

           “Namimiss lang kasi kita, bakit ganyan ang tono di ka ba masaya na makita ko”

           Hinubad ni John ang suot niyang jacket at isinuot iyon sa nobyo, siya na rin ang nagzipper.

           “Gusto mo bang sipunin ka ha. Alam mong mahina ka sa lamig nag antay ka pa dito” sermon ni John. Hindi nakaimik si Sam, excited na excited pa naman siyang isurprise si John pero kabaligtaran ang nangyari. Napayuko nalang siya sa hiya sa nagawa.

           “Sorry” sambit niya

           Itinaas ni John ang baba niya upang magkatitigan ang kanilang mga mata “Pasensiya ka na, ayoko lang magkasakit ka nang dahil sakin” kasunod ang pagngiti “Sobrang saya ko, Mahal ko, na nandito ka” hinaltak niya ang baywang ni Sam upang ilapit sa katawan niya “Namimiss na kita, pwede bang sa dorm ka nalang matulog”

           “Ako ba ang namimiss mo or iba”

           “Parehas” sabi nito habang ang mga mata ay napako sa labi ni Sam “Marami akong gustong gawin sayo” mahinang sabi ni John

           “Di uuwi si dad ngayon kaya wala akong takot na mag antay sayo, at samahan ka sa dorm”

           Pinagsaluhan muna nila ang isang halik bago umalis at umuwi na sa dorm.

 

           Nagpamigay na nang mga isusuot nila sa foundation day, isa isang tinawag ang pangalan nila upang maiabot ang nakabalot na damit. Maraming nagtaka nang pangalan ni Sam ang unang tinawag ng guro. Napakunot ang noo ni John na puno ng pagtataka, kung paanong nasa masterlist ang pangalan ng nobyo. Lumapit ang isang guro na nag abot ng papel.

           “Mali pala ang listahang iyon” sabi ng guro

           Hindi mawala sa isip ni John kung paanong nangyaring nasa listahan ang pangalan ni Sam kaya pagkatapos ng praktis ay pinuntahan niya ang gurong head ng dance team.

           “Nagkamali lang ako ng bigay na list kay Sir Cruz” palusot ng gurong kinausap ni Sam

           “Pwede ko po bang malaman ang pangalan ng nag back out na member”

           May pangako ang guro kay Sam pero nakaramdam ng takot ang guro sa galit na mga mata ni John.

           “Umalis ba siya para sakin”

           Walang naisagot ang guro, na naging malinaw na pag sang ayon kay John, nadurog ang puso niya na ang kaligayahang mayroon siya ngayon ay di talaga para sa kanya. Ibinagsak niya ang pintuan ng opisina ng guro ng lumabas siya.

           Di niya napigil ang mga luha niyang lumabas sa mga mata niya nang makalabas siya sa studio, nakauwi na ang mga kasamahan niya kaya walang nakakita sa pagluha niya. Napatigil siya sa paglalakad ng makita niya muli si Sam na nakaupo sa sementong upuan na inaantay siya. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang muka at mga mata habang di pa siya napapansin nito. Pinilit niyang ngumiti, naglakad siya palapit dito. Tumayo ito ng makita siya.

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon