KABANATA 30

64 5 4
                                    

Pareho silang takot itanong sa isa’t isa kung para saan ang pinagsaluhan nilang halik. Lalo na si John kahit pa pumayag at gumanti si Sam sa halik niya ay natatakot siyang alukin ito muling makipagbalikan. Kasi parang kailan lang ay sinabi niya ditong ayaw na niyang makipagbalikan dito.

           Dahil labing walong taong gulang na naman silang lahat ay hinayaan ng mga guro na uminom ang mga bata ngunit kaunti lang upang walang malasing. Magkatapat sina Sam at John sa upuan, katabi naman ni Sam ang mga kaibigang sina Travis.

           “Ito para sayo” lapag ng isa nilang kaklase sa isang punong baso ng beer kay Sam

           “Di siya umiinom” sagot agad ni John sa katabi

           “Nabilang ko kasi siya sa inorder ko”

           “Okay lang” sabi ni Sam “Minsan lang naman ito” hinawakan na niya ang baso upang uminom ngunit hinawakan iyon ni John kaya di natuloy maitaas ni Sam

Napatingin ang mga kasama nila sa table kay John

“Babawasan ko” sabi ni John, kinuha niya ang baso at ininom ang kalahati”

“Ang bait mo namang ex” biro ni Travis

Nagtawanan ang lahat, maging si Sam ay di napigil ang ngiti.

Hindi makatingin ng diretso si Sam sa kaharap na abala sa pagtitig sa kanya kanina pa. Nagkukunwari siyang abala sa pagtingin sa cellphone niya upang di mahalatang alam niyang nakatingin si John sa kanya.

Binigyan niya ito ng tingin upang matiyak kung nakatingin nga ito, subalit mabilis nitong tinanggal ang tingin sa kanya, uminom ito ng natitira pang beer sa baso nito. Bakit di na lang siya kausapin nito kung may ibig sabihin pala ang kiss kanina, handa naman siyang makinig sa sasabihin nito.

Tumayo ito na sinundan niya lang ng tingin, lumapit ito sa waiter, saka muling umupo sa harap niya.

“Bakit?” tanong nito

Umiling siya

Maya maya pa lumapit ang waiter at naglapag ng isang slice na chocolate cake sa harap niya na ipinagtaka niya kasi di naman siya umorder.

“Di po ako umorder”

“Ako umorder niyan” sagot ni John, umalis na ang waiter “Masarap iyan”

“Di ka na dapat nag abala”

“Paborito mo iyan diba”

“Hati tayo, gusto mo rin ito diba” inurong ni Sam ang platito sa harap ni John

Kinagat ni John ang ilalim ng labi niya habang nakatitig sa cake, di niya masabi na gusto niyang subuan siya ng dating kasintahan kaya inurong nalang niya muli ang cake kay Sam

“Okay lang ako, busog na ako sa pulutan” nakangiti pa niyang sabi

Hinawakan na ni Sam ng tinidor at nagslice ng kaunti si Sam, pinanood lang siya ni John.

Itinaas ni Sam ang tinidor upang isubo kay John ang hinati “Tikman mo”

Di makapaniwala si John na gagawin iyon ng dating kasintahan na ikinatuwa niya, di na niya pinatagal at isinubo niya iyon. Ikinatuwa din niya na ang tinidor na ginamit niya ay ang tinidor ding ginamit ni Sam.

Hindi na siya muling humirit pa at hinayaan na iyon kay Sam. Pinagmasdan nalang niya ito kasabay ng pag inom niya sa panibagong beer na inorder niya. Hinihiling ni John na sana maulit muli na mahalikan ito na tiyak naman niyang di tutulan nito.

Hindi nasunod ang limitadong beer na iinumin dahil may mga estudyanteng umorder pa ng marami, katulad ni John. Nahihiya si Sam na pagbawalan ito dahil baka isipin nito ay pinakikialaman niya. Nang makaramdam na nang hilo si John ay sa tabi siya ni Sam umupo.

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon