Hindi inasahan ni John na may sasalubong sa kanya noong umuwi siya sa dorm, ikinagulat niyang makita ang magkasintahang sina Travis at Justin maging sina Kyle at Jaden. Marami ding pagkaing nakahanda sa lamesa at may mga alak pa.
“Happy Birthday, John!” bati ng lahat
Malaking ngiti at pasasalamat ang ibinalik niya sa magandang sorpresa ng mga ito sa kanya, kahit pa umaasa siyang sana naroon din ang mahal niyang si Sam
“Magpapakalasing tayo” taas pa ni Justin sa bote
Nagtawanan ang lahat. Doon daw matutulog sina Travis kaya walang takot ang mga ito na uminom. Napuno ng tawanan ang kaarawan niya kaya di niya namalayang wala ang mga magulang at si Sam sa tabi niya.
“Kapag lasing na ang Choco ko wag kayong lalapit sa kanya, hahalikan kayo nito” sabay tawa ni Travis
Nagtawanan ang lahat “Doon ako nagustuhan ni Chop kaya ingat kayo baka mahalikan ko kayo, mag away away pa tayo” biro pa ni Justin
Binigyan ng lahat si John ng regalo na di niya inasahan.
“Dalawa ang regalo ko sayo” sabi ni Justin na halata na sa boses ang kalasingan, inilapag nito ang paper bag
“Ano ito?” taka ni John
“Happy birthday, Bro” nakangiting sabi ni Justin
Ngumiti ang lahat, maging si John nang magets nila na galing iyon kay Sam.
Maliit na chocolate cake, nangako kasi si Sam noong nakaraang taon na ipagbabake niya si John ng cake.
“Mukang masarap” nasabi niya habang nakatitig sa simpleng diseniyo nito. May mga pusong candy sa bawat gilid ng bilog na cake na iyon at “Happy birthday” sa gitna.
“Masarap din ang gumawa niyan” biro ni Travis
Nabatukan ito ni Justin “Anong masarap ka dyan”
Natawa si John sa dalawa, nagningning ang kanyang mga mata na di nakalimutan ni Sam ang kanyang kaarawan at pangako kahit pa iniiwasan niya ito. At nais niyang mawala ang damdamin nito sa kanya upang di na ito muling masaktan pa kahit masaktan pa siya.
Nakatulog na ang lahat sa kalasingan, naiwan siyang nakaupo at nakatitig sa cake, kinain niya iyon at inubos kasabay ang pagtulo ng luha, tinalo ng lungkot niya ang kalasingan kaya nagawa niyang maubos ang cake na iyon. Nais niyang makita si Sam, di niya ito matatawagan dahil wala na itong number sa kanya at anong sasabihin niya kapag nagkita sila, di rin pwede kasi masisira ang plano niyang makamove on na ito sa kanya.
Pero nakinig siya sa puso niya, nahihilo man siya ay umalis siya nang dorm, gabi na noon kaya taxi na ang sinakyan niya papunta sa bahay nito. Ginamit niya ang cellphone ni Justin para itext ito ‘Labas ka, pupunta ako dyan’
Kasalukuyang nanonood ng movie ang mag aama sa sala ng matanggap ni Sam ang mensahe ni Justin, ipinagtaka niya kung bakit magtetext ito ng ganun, posible kayang may problema ito. Kaya lumabas siya kaagad, pero wala ang kaibigan doon sa labas hanggang may humintong taxi, pero di niya inasahan ang bumaba doon. Halata sa galaw nito ang kalasingan, nawawalan ito ng balanse, lumapit siya dito ng makaalis na ang taxi.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya kay John, namumula ang mga pisngi nito sa kalasingan, amoy na amoy niya ang alak na ininom nito “Nakainom ka ba?”
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Teen FictionCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...