KABANATA 6

52 4 0
                                    

Hinanap ng mga kamay ni John ang nobyo ng maramdamang wala na ito sa mga bisig niya, kinapa niya ang kama, ngunit wala siyang nahawakan maliban sa kumot, kaya iminulat niya ang kanyang mga mata, naaninag niya itong nakatayo sa gilid ng kama, kakasuot lang nito ng Tshirt, nakatalikod sa ito kanya. Kinusot niya ang kanyang mga mata upang maimulat ito ng husto. Umupo siya sa kama.

           “Uwi ka na” sabi niya, humarap si Sam sa kanya

           “Pinapauwi ako ni Dad ng maaga” lumapit si Sam at umupo sa kama. Humalik siya sa labi ni John, pagkatapos ay kinuha na niya ang sapatos.

           Niyakap ni John ang likod ng nobyo habang abala ito sa pagsusuot ng medyas. Hinalikan ni John ang leeg ni Sam “Sobrang aga naman” mahigpit niyang niyapos ang tiyan nito. Kinagat niya ang tainga ni Sam

           “Babalik daw muli kami kina Lolo at Lola” isinuot na niya ang isang paa sa sapatos

           Kumalas na si John sa pagkakayakap dito, muli nalang siyang humiga. Lumingon si Sam sa kanya na pareho nang naisuot ang mga sapatos. “Galit ka ba?”

           Umiling si John, ngunit seryoso ang kanyang muka.

           “Kapag nakauwi kami agad pupunta ako dito ulit” pangako nito

           Hindi sumagot si John.

           Tiyak ni Sam na nagtatampo ito kaya sumampa siya sa kama, pero hindi niya itinapak ang sapatos niya, tanging tuhod lang niya ang ginamit niya upang makalapit sa nobyo, umibabaw siya dito na tahimik lang na nakatingin sa kanya. Hinalikan ni Sam ang mga labi ng nobyo. Iniangat niya ang kanyang muka ng mapansing di niyakap ni John ang baywang niyang nakadikit sa katawan nito.

           “Bro nagtatampo ka pa rin ba?”

           “May gusto akong itanong sayo”

           Ikinakaba ni Sam iyon, tiyak niyang seryoso iyon at isang maling sagot niya lang ay pag aawayan nila iyon. Umalis na si Sam sa ibabaw ni John, naupo nalang siya sa kama, umupo lang din si John. Seryoso ang muka nito subalit natatawa si Sam na suot nito ang brief na may muka niya na may kanipisan kaya halatang halata ang tinatago nito.

           Tinakpan ni John ng kumot iyon kaya naitikom ni Sam ang nakangiti niyang mga labi.

           “Ang seryoso mo naman bro”

           “Attractive ka ba sa babae?”

           Namilog ang mga mata ni Sam sa sinabing iyon ng nobyo, pilit niyang ngumiti upang mapanatili ang kalmadong sitwasyon nila. “Bakit mo naman natanong iyan?”

           “Gusto ko lang malaman”

           “Hindi” sagot ni Sam

           “Si Suzy Bae kilala mo ba siya?” isa ang larawan nito ang nakitang niLike ni Sam

           Kumunot ang noo ni Sam na tila alam na niya kung ano ang pinaghuhugutan nito “Tsinek mo ba ang cellphone ko?” napataas ng kilay si Sam di sumagot ito “May usapan tayo hindi ba”

           “Bakit big deal sayo. May itinatago ka ba sakin?” pagtataas ng boses ni John

           Napahawak si Sam sa sintido niya “Alam mo ikaw… wala ka nang pag asang magbago. Puro ka pagdududa. Bakit niloko na ba kita dati” sigaw ni Sam

           “Boyfriend mo ako karapatan ko iyon. Di ako magagalit kahit buksan mo ang cellphone ko kasi malinis ang kunsensya ko. Ikaw bakit big deal sayo”

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon