KABANATA 25

52 3 0
                                    

Ikinalungkot ni Rina nang malaman na naghiwalay sina Sam at isa siya sa naging ugat, pinayuhan niya si Sam na mas maganda ding naghiwalay sila ng maaga kaysa tumagal pa na mas lalo nilang masaktan ang isa't isa. Ibinalita din nitong mayroon na siyang nobyo na nakilala niya sa school. Masaya si Sam na marinig iyon, masaya siyang nakahanap ito ng magpapasaya dito na di niya kayang gawin.

Tumakbo pa ang araw at unti unting nasasanay si Sam na wala na si John sa tabi niya, sa silid na rin siya ni David natutulog upang di niya maalala si John, bawat sulok ng silid niya ay punong puno ng alaala ng dating kasintahan, maging ang banyo nila ay naging saksi sa pag ibig nila sa isa't isa.

Alam niyang di nakakatulong ang pagtingin niya sa larawan nila sa cellphone niya, mas lalo niya lang namimiss ito. Gusto niyang muling bumalik ito sa kanya pero natatakot siyang muling masaktan nito ng pisikal. Naluha siya ng maisip na ang labi nito ay di na sa kanya ay may nakikinabang nang iba.

Naabutan ni Eugene si John na naliligo kaya pumasok ito sa shower sa silid nila. Nakatalikod noon si John na di narinig ang pagbukas ng pinto na di niya nailock, malakas ang pagtulo ng tubig kaya wala siyang naging reaksyon ng muling isara ni Eugene ang pinto. Abala ang isip ni John na alalahanin si Sam kapag magkasama silang naliligo. Napamulat siya may yumakap sa kanya na nasa likod niya, kamay iyon ni Eugene, na agad niya ding tinanggal, humarap siya dito pero ang dalawang kamay ay nakatakip sa ibaba niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita itong nakahubad sa harap niya, nakangiti pa itong tila proud pa sa ipinakita sa kanya. Saglit siyang napatingin sa maselang parte ng katawan nito, pero agad niyang inilipat sa mukha nito ang tingin. Gulat na gulat siya na umabot sila sa ganun, hindi siya komportable na makita nila ang katawan ng isa't isa. Di siya natuwa kahit ba napaganda ng katawan nito, wala siyang naramdaman kahit anong pagnanasa dito, na tanging sa dating nobyo niya lang nararamdaman.

Naglakad si Eugene palapit sa kanya, siya naman ay umatras, hanggang sa madikit na siya sa dingding, wala na siyang lusot.

"Stop" mahinahon niyang sabi

Huminto sa paglapit si Eugene sa kanya

Pinatay niya ang shower upang magkarinigan sila.

"Ano na naman"

"Di pa ako handa"

"Hindi naman kita bibiglain, iingatan kita"

"Di pa ako handang kalimutan si Sam, siya pa rin ang gusto ko. Kung di mo kayang pantayan ang halik niya sakin wag natin gawin ito"

"John, magkaiba kami ni Sam, mas mapapaligaya kita, basta magtiwala ka lang"

Walang pakialam si John kahit kaya pa siyang paligayahin nito na di kayang gawin ni Sam, kung di lang katawan ni Sam ang makakauna sa kanya di bale nalang.

Hindi na niya ito sinagot bagkus, kinuha niya ang towel at itinakip sa ibaba niya. Itinulak niya ito palayo sa kanya at iniwan itong mag isa doon.

Muling isinuot ni Eugene ang short at sinundan si John.

"Teka John" sigaw nito

Humarap si John dito "May sasabihin ka"

"Para saan ang pagpayag mong halikan kita kung di rin naman kita makukuha. Yang ipinagmamalaki mong Samson ay di na babalik sayo, di nararapat ang katulad mo sa kanya"

Sa inis ni John ay tinulak ng dalawang kamay niya ito, napaatras lang ito na lakas noon.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo" sigaw ni John "Magpasalamat ka at di kita gagamitin para punan ang pagkamiss ko sa kanya"

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon