KABANATA 32

51 4 0
                                    

Masayang pinagsaluhan nina John at Sam ang inorder nilang ice cream, lahat ng flavor sa parlor na iyon ay binili nila.

           “Wala ka pa bang ibang sinisikreto sakin na iba?” tanong ni Sam

           Nag iisip si John “Wala na, at hindi na ako muling magsisinungaling sayo” pinunasan ni John ng tissue ang gilid ng labi ni Sam an may kumalat na ice cream

           “Pangako iyan ah” nakangiting sabi ni Sam, ngumiti lang si John

“Ako dapat ang matakot at magselos kasi madali lang sayong kalimutan ako, tapos kahit ilang buwan palang tayong hiwalay ay nakikipaghalikan ka na sa iba, na di ko kayang gawin”

           Sumeryoso ang tingin ni John sa hinaing na naman ng nobyo, nahihiya siya dito na sa kabila ng pagseselos niya noon na parati nilang pinag aawayan ay siya pa ang unang tumalikod dito dahil lang sa di pagkakaintindihan.

           “Bakit mo ako pa rin ako tinanggap? Bakit minamahal mo pa din ako, Samson? Nahihiya ako sayo na hinayaan kong lamunin ako ng takot kong mawala ka sakin kahit pa paulit ulit mong ipinapadama sakin na mahal mo ako. Ngayon ko lang napagtantong napakaswerte ko, na ako ang pinili mong mahalin. Samson, gagawin ko ang lahat para makabawi sayo. Magbabago ako para di nakita masaktan. Wag mo akong pagsasawaan muli”

           Natutuwa si Sam na nakikita niyang pinagsisisihan ni John lahat, at alam niyang magbabago si John, naniniwala siya sa pag ibig nito sa kanya. Kakalimutan niya lahat ng nakaraan upang mas maging matibay ang kanilang relasyon.

Kinikilig na lang si John kapag nagseselos ang nobyo mas nararamdaman niyang mahal siya nito. Alam din niya naman niyang inaasar lang din siya nito kapag binabanggit si Eugene upang makaganti.   

“Namiss mo ba ako noong naghiwalay tayo?”

“Sakto lang” pang aasar ni Sam

“Sakto lang? Halos mabaliw na ako kakapigil na balikan ka tapos ako di mo naman pala namiss”

Tumawa si Sam, sumandok siya ng ice cream at sinubuan ang kasintahan pero di ibinuka ni John ang bibig niya.

“Ang arte mo” kinurot niya ang tagiliran ni John

“Aray naman” nakasimangot na dumaing si John

“Kung di kita namiss di na sana kita binalikan. Alam mo bang parati akong puyat kakaiyak kasi hinahanap ko ang yaakp mo”

Gumuhit ang ngiti sa labi ni John “Anong ginagawa mo kapag namimiss mo ako” Lapit pa ng muka ni John sa muka ni Sam

“Kumain na nga tayo, matutunaw na ito” hinawakan ni Sam muli ang kutsara

Humalik si John sa pisngi ng kasintahan saka muling inilayo ang muka dito at humawak sa kutsara muli

“Siguro kapag namimiss mo ako kay Eugene mo ibinabaling ang atensyon mo”

Tumango si John “Sayang din eh”

Balak sanang kumurot muli ni Sam sa binti niya ngunit agad niyang nahawakan ang kamay nito “Nakakasakit  ka na, Mahal”

“Pasalamat ka mahal kita”

“I love you too” pang aasar pa ni John  

           Tutuparin na ni John ang pangako niya sa kanyang mga magulang na ipapakilala sa mga ito ang taong lubos na nagmamahal sa kanya sa kabila nang di siya naging mabuti dito.

Magkahawak kamay silang humarap sa mga lapida ng mga magulang ni John, masaya si Sam na pagmasdan kung gaano kasaya ang mga mata ng kasintahan, habang ikinukwento siya sa mga ito, nasabi niya sa sarili habang nakatitig na nais niyang makasama habang buhay ang lalaking ito at ibigay ang pangarap nitong pamilya. At parati niyang ipaparamdam dito na hindi na ito mag iisa pa.

I LOVE YOU TOO BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon