Ang madalas namang isumbong ni Justin sa kanya ang madalas na pagseselos ni Travis. Parati daw pinag aawayan ng mga ito ang pagseselos nito sa kungsino sinong nakakausap niya kaya namomroblema si Justin.
Pinuntahan ni Sam si Travis sa bahay nito, dinala siya nito sa silid nito.
“Bakit kailangan pa natin dito mag usap”
“Bakit ka naiilang friends na tayo hindi ba” umupo ito sa kama “Tabihan mo ako dito” hampas pa nito sa kama
Umupo siya sa tabi nito
“Kumusta kayo ni John?”
“Masaya”
“Anong masaya sa LDR?”
“Mas masaya iyon kaysa magselos siya ng magselos”
Napalingon si Travis sa kanya
“Katulad mo seloso din si John. Kung mahal mo si Justin di mo kailangan magduda sa kanya parati”
“May tiwala ko kay Justin pero sa mga tao sa paligid niya wala. Kilala mo siya ang dali niya lang mahalin. Natatakot akong magkagusto siya sa iba”
Natawa si Sam sa pagiging seryoso nito
“Anong nakakatawa doon?”
“Si Travis ka bakit ka nag aalala. Gusto ka na ni Justin bago mo pa siya nagustuhan. Kung magkakagusto rin pala siya sa iba, sana noon pa nangyari iyon. Noong di mo siya pinapansin”
Natahimik lang si Travis
“Magsasawa siya sayo kung parati mo nalang siyang inaaway”
“May sinabi siya sayo?”
“Ikinuwento niya lang na di na siya natutuwa sa pagseselos mo. Sinasakal mo daw siya”
Tumingin si Travis sa kamay niya “Ayoko siyang mawala sakin”
“Di siya mawawala sayo. Magtiwala ka lang sa kanya”
Muling tumingin si Travis sa katabi “Salamat”
“Mabuti ka nga kasama mo siya, samantalang ako walang malambing dito”
“Gusto mo bang lambingin kita” biro ni Travis
Tumawa lang si Sam
“Paano mo nasisiguradong wala siyang nilalandi doon”
“Mas mahal niya ako kaysa sa mahal ko siya”
“Ang sakit naman niyan”
“Mahal ko siya kaso alam kong mahal niya ako kaya di niya magagawang lokohin ako”
Inakbayan ni Travis si Sam “Biro lang. Alam kong mahal na mahal ka niya”
“Bigla tuloy akong kinabahan”
“Joke lang iyon baka mag away kayo nang dahil sakin”
“Mauuna na ako”
“Sabay na tayo, pupuntahan ko choco”
Pinisil ni Travis ang kaliwang pisngi niya “Ang cute mo talaga Sam” nagkatitigan sila
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TOO BRO
Teen FictionCOMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hanggang sa makilala niya si Sam. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkagusto dito ng biglaan. Pi...