04:

1.1K 36 0
                                    

Dumiretso ako sa kwarto. Nagpalit lamang ng komportableng damit, inilapag ang cellphone sa tabi, ibinagsak ang sarili sa kama at ipinikit ang mata. My body is too damn tired at kailangang-kailangan ko ng pahinga. Ilang araw na akong walang maayos na tulog dahil sa pagiging abala sa trabaho at sa pakikipag-meet sa mga business partners nina Mom and Dad.

 

"My Mom wants another grandchild. Available ka bang maging ama, Kurt Valenzuela?"

Napamulat ako nang dumagundong sa isipan ko ang boses ni Ara. Maging ang mukha niya at eksaktong reaksyon habang sinasabi niya iyon sa akin kanina ay nakapaskil sa isip ko. Nakukunot ang noo kong napaisip.

Is she still sane?

"Kurt, pahingi nga ng sperm mo. I want to have a child from your DNAs."

Napailing ako. Napangiti nang mapakla saka muli na lang pumikit. Gusto ko nang magpahinga ngunit pumapasok sa isip ko ang babaeng iyon. Technically, she's one of the reasons why I am losing sleep. Kadalasan kasi ay siya ang may kasalanan kung bakit nagkakaaberya at natatagalan akong makauwi. She's bugging me nonstop.

Hindi ko na namalayan ang paghila sa akin ng antok. I did not know when exactly I fell asleep, but I know the moment that I woke up, it's already the evening. Siguro ay alas sais na o alas siyete. Hindi naman na ako nag-aksaya ng oras na siguraduhin kung ano na nga ba ang oras bagkus ay nagdiretso na lang sa bathroom. I deserve a nice bath after that nice sleep.

It just took me twenty minutes or less bago matapos sa pagliligo. Nagbihis lang ako nang maayos bago bumaba na rin. Medyo kumakalam na ang sikmura ko dahil ang kakarampot na cake at kape lang pala ang laman ng tiyan ko kaninang umaga at hindi pa ako nakakain ng tanghalian.

"Mom! My friend is here!" Narinig ko ang sigaw ni Kianna hindi pa man ako nangangalahati sa hagdan.

Nakita ko ang mabilis na pagtakbo ni Kianna patungo sa pintuan. Halata ang excitement sa kaniyang mukha habang papalapit doon. Nakakapagtaka na ngayon ko lang siya nakitang magbubukas ng pinto. She usually let the maids do it kahit na nga si Mom or Dad pa ang dumarating. Inobserbahan ko lang ang bawat galaw niya. She excitedly let the door open and there she welcomed a woman that is the reason of her excitement. Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa pagkadismaya nang makita at mapagtanto sa wakas na darating nga pala ang isang ito. Muntik ko nang makalimutan o baka naman talagang tulog pa ang diwa ko.

"Ate Ara!" Sigaw ni Kianna habang malawak na iginiya ang kaniyang magkabilang braso para sa isang yakap na agad dinaluhan ni Ara. "I knew you'll come!"

"Syempre naman, baby. Ikaw pa ba? Malakas yata kapit mo sa akin."

They both giggled. Ako naman ay nakukunot lang ang noo habang patuloy silang inoobserbahan. Ara is weird tonight. She's not wearing any fancy clothing nor a simple fitted dress like she always does. Nakasuot lang siya ng oversized gray sweatshirt na tinernohan ng isang elevated rubber shoes na kaparehas rin ang kulay ng damit niya. She really likes to look taller than she already is. Kakaiba rin ang pagkakaayos ng kaniyang mukha. Instead of a red lipstick, she's wearing a nude one. Nakatali nang medyo magulo ang buhok niya in a bun unlike the way she usually does it, like a high ponytail or big waves. May hawak siyang isang boquet ng white roses sa kamay at maliit na bag sa kaliwa.

Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon