35:

648 25 0
                                    

"Ano? Huwag mo akong pinagtitripan, Kianna. Mainit ang ulo ko."

"Kuya, kalma lang. Alam kong papasalamatan mo rin ako pagkatapos nito. Alam mo naman na papasa akong NBI agent, e. I got Ate Ara to accidentally tell me where exactly she is right now. And you'll never going to believe me."

"Just fucking get to the point. Napakarami mong satsat. Where is she?"

"Magpromise ka nga muna na bibilhan mo ako ng bag." Sagot niya imbes na sagutin ng diretso ang tanong ko. "Wala nang libre sa mundo ngayon, kuya."

"Fine."

"Okay. Caigangan, Buenavista, Marinduque. It is near the private island you're staying right now."

"Text me the exact address." Iyon lang at saka pinatayan ko na si Kianna ng tawag.

Nagsuot lang ako ng Tshirt. Kinuha rin ang little bear ni Ara saka nagtungo para hanapin ang suite ni Manong Lucio. Madali ko namang nahanap iyon sa tulong ng ilang staffs. Nakakunot pa nga ang noo ni Manong Lucio nang makita ako.

"Ah ay ano ho ga iyon, sir? Para hong ika'y alalang-alala, e. May problema ho ga?"

"Saan nga po nakatira ulit ang asawa ninyo rito sa Marinduque?"

"Caigangan, sir. Sa Buenavista ho." He answered back na ikinangiti ko.

I signed him to wait a damn minute dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang text ni Kianna. I really had to call her back para lang masigurado na ite-text niya sa akin ang eksaktong address nina Ara. Kitang-kita na siguro ang tuwa sa mukha ko nang magpop ang text message ni Kianna mayamaya lang. Binasa ko iyon kay Manong Lucio at nakakatuwang tumango siya.

"Ah aba iyan sir ay diyan lamang. Kailangan lang nating sumita ng tricycle ay okay na 'yoon. Makakarating na tayo roon depende kung may mga nakapila pa. Ay kaya lang ho sir ay paano tayo kakaalis dito?"

"Well take the speed boats."

"Ho?"

"Sasakay tayo sa speed boat. Ikaw ang maghahatid sa akin."

Nag-aalangang tumango si Manong Lucio. Sumasang-ayon na lang sa mga sinasabi ko.

"Sasabihan ko lang ang mga maghahatid sa atin. Kukunin ko lang ang wallet ko. Dalhin mo po cellphone mo." Sambit ko saka umalis na rin.

I informed the front desk about my concern. Apparently ay hindi yata ako sinusuwerte dahil nasa dagat ang mga divers. I waited for them to communicate with them through radios. Halos isang oras ang naubos bago sila macontact at makarating sa isla ang dalawang speed boats. Ako na mismo ang nagpaalam kina Mr. and Mrs. Tamuyaki. Mabuti nga at walang pag-aatubiling pumayag ang dalawa and even insisted na pasamahin ang dalawa sa bodyguards nila. I declined. Kaya na namin ni Manong Lucio ito.

Hindi naman nagtagal ay sumakay na kami sa speed boats. Dalawa ang naghahatid sa amin. It was quick and fast. Nakarating agad kami sa tabing dagat kaya lang ay hindi mataong lugar ang aming napuntahan. Isa pa ay gabi na rin. It's almost ten o'clock in the evening and knowing this is a province, it is past their sleeping time. Inaya ako ni Manong Lucio na maglakad. Pinabalik ko na rin ang dalawang naghatid sa amin at sinabihang kokontakin ko na lang sila.

Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon