56:

606 18 0
                                    

"Oh!" Si Kianna. Umiiling siyang nakatingin sa akin habang iniaabot ang kumot. "Humiga ka na roon. Ako muna ang magbabantay kay Ate Ara. Mukha ka nang adik, promise." She hissed.

Tiningnan ko siya nang hindi natutuwa. She's maybe right. It's already one in the morning. Everyone is quiet. Everyone must be damn tired including me. Ilang oras na akong nasa tabi lang ni Ara at nagdadasal sa bawat segundo na magising na siya.

"Dali na, kuya. Hindi ko kakainin si Ate Ara. Hindi ko kakagatin. Kung makatingin ka sa akin para akong kontrabida ah. Hello? Buti na nga lang at semestral break namin ngayon. Ang galing din ng timing e, no?"

"Umalis ka nga sa harapan ko, Kianna. Nabubwisit ako sa mukha mo."

"Ah talaga?" She excitedly replied. "That does mean ako ang pinaglilihihan mo? Yey! That also means magiging kamukha ko ang bab-"

"Just get out. Ayaw kong makipag-away sa'yo. Bwisit ka."

Ngumuso lang siya sandali. Iniwan sa akin ang kumot bago umalis na rin. Doon siya humilata sa sofa at hindi ako nilubayan. She kept on talking to me.

"Kuya, matanong ko lang. Huwag kang magagalit ha? Kasi hindi ba at buntis si Ate? Sabi ni Mom, it's already a month old. Malapit nang magfive weeks. Does that mean na kung iko-compute ang first time ninyong magkakakilala, you did it that night?"

"Did what?"

"You know. The thing you did para makabuo ng baby."

"I do not know. I am still confused."

Sa sinabi ko ay napakunot ang noo ni Kianna. Halatang hindi siya nakakasunod sa sinasabi ko. I get it. I understand her reaction because I would act that way.

"Ano? Hindi mo alam?"

"I really do not know, Kianna. Kaya nga umabot sa ganito, e. I found out she's pregnant and the calendar do not match her pregnancy. We only had sex last ahm, fuck, I don't even have to tell you that. Basta ang alam ko, mali ang computation sa kalendaryo. Kung mabubuntis man siya, it must be just a day or so. It's so early for a pregnancy test resulting to positive."

"I don't get it. What do you actually mean, kuya? Baliw ka ba?"

"I must be for not remembering it. Kaya nga tinatanong kita the night you met her dahil kung noon nga iyon, I will believe it."

"Wait, let me get this straight. Buntis si Ate Ara and that means hindi ka sigurado kung ikaw ang ama?" She even got up. "That's confusing. Ikaw lang ang nakita kong lalaking ganoon kalapit sa kaniya. Even that night, noong nilapitan ka niya and you talked outside-"

"We talked?"

"May amnesia ka ba, kuya? Nabagok ka ba? Sa pagkakaalam ko wala ka namang sira sa ulo. O gusto mo sirain natin nang tuluyan para hindi ako naguguluhan sa'yo? Ako mismo pupukpok diyan o kaya ihampas kita sa pader. Game ka?" She laughed.

Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon