26:

718 27 1
                                    

Dumating ang kinabukasan. Wala akong update na natanggap kay Ara ni ang simple nitong pagtext. I did not text her. I did not call her even though I know I should be the one to do it first. Naguguluhan ako sa sarili ko. Dapat si Ara ang nasasaktan dito, hindi ba? Siya ang bumubulabog sa buhay ko. Siya ang naghahabol pero bakit ako ang nasasaktan?

Is this really happening with me?

"Ang pangit mo." Nakakunot ang noo ni Kianna nang makita niya akong pumasok sa bahay. Nagce-cellphone lang ito pero hindi maitatanggi ang pagtataka sa mukha niya. "Para kang walang tulog ah. Puyat na puyat?"

"Stop talking to me, Kianna." Asik ko sa kaniya pero agad na napatigil nang dahil sa sunod niyang sinabi.

"Sabi nga pala ni Ate Ara-"

"What? Is she okay? Nasaan siya? Did she sleep well? I have her house keys." Sunod-sunod ang mabilis kong tanong na mas lalong ikinakunot ng noo ni Kianna.

"She slept in a friend's house."

"Friend? Which one?"

"Imbestigador ka na? Hindi pa ako tapos ang dami mo nang tanong ah." Kianna hissed. "Ang sabi niya, kunin ko raw sa'yo ang purse niya na naiwan niya sa condo mo. I'm going to meet her tomorrow before she flies to her hometown para sa birthday party niya, hindi ba? Siya nga pala kuya, nakapag-empake ka na ba ng mga gamit mo para sa business mo in that private island? Sabi kasi ni Mom, e."

"Don't mind my things. Where would you meet Ara tomorrow?"

"Same place."

"Where?"

"Same place nga. Doon sa coffee shop na sinira mo ang date namin." She hissed again. "Nasaan na nga pala? Nasa condo mo pa? Kunin ko na lang mamaya o bukas bago ako pumunta."

"No. Ako ang pupunta."

"Ano ba 'yan, kuya! Ide-date nga ako ni Ate kasi hindi ako makakasama sa birthday niya, e."

Narinig ko ang pagmamaktol ni Kianna. Kulang na nga lang ay umiyak ito na parang bata. Sumasama na rin ang tingin niya sa akin at halatang hindi natutuwa.

"Fine. I'm going to tell Ate-"

"No. Tell her you'll be going." Agad kong putol sa kaniya. "She's mad at me. I made her mad. Sabihin mong ikaw ang pupunta pero ako talaga ang susulpot so there won't be any problem."

"Teka, nag-away ba kayo ni Ate Ara?"

"None of your business."

"Oh e 'di sige. Sasabihin kong ikaw ang pupunta. None of my business pala, e."

"Kianna! I'm going to buy you the bag you're asking her. Help me with this one, okay?"

Ang kani-kanina lang na nagmamaktol na mukha ni Kianna ay napalitan ng pagniningning ng mga mata niya. It's as if she heard a damn good news at kumindat pa nga sa akin.

Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon