Seconds, minutes, hours, a day, a day and a half, two days. Exactly two days have passed, and I am still here patiently waiting for Ara to let me enter the room. Sa nakaraang dalawang araw ay pabalik-balik ako rito para dalhan sila ng pagkain, suyuin siya at busugin sila pero wala pa rin. She really hates me, but I hate myself more. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam at maalala ang nangyari na nagsisilbing passcode ko para makapasok sa kwarto.
"Kuya, hindi nga. Kapag naabutan ka ni Mom dito yari ka." Kianna told me habang kinukuha na naman niya ngayon ang dala kong pagkain.
It is seven in the evening. This time ay malaking white bear stuffed toy naman ang dala ko at kahapon ay boquet ng chocolates. Pinagtitinginan ako ng mga tao kanina sa daan. Para tuloy akong nagbalik sa pagiging teenager kung manuyo. I haven't done this before. Napakahirap suyuin ng babaeng ito. Napakahirap lalo na at buntis pa.
Damn, I miss her.
"Saglit lang, e. Sisilip lang."
"Kuya, hindi nga. Gusto mong isumbong kita kay Mom?"
For the past two days ay si Kianna ang bantay niya. It's a good thing it is her semestral break and she really do not have anything to do. Mapili naman talaga siya sa kaibigan kaya mahirap siyang kasundo. It's no surprise she'll just stay alone, travel alone or with Mom and me, and just sleep all day these coming days.
"Bibilhan kita ng bag-"
"Ayaw ko nga. Na-scam mo na ako noon, e. Hindi na gagana sa akin iyon."
"Kianna, sandali nga lang."
"Ayaw nga ni Ate, e. Ako ba si Ate? Ha? Ha? Tss. Uwi ka na nga. Ipagluto mo rin si Mom. Uuwi raw siya, e. Sleep well. Hihi."
I cussed inside my head. Tangina napakahirap suyuin ni Ara. Daig ko pa ang nagcheat at nagloko sa nangyayari. It's as if I messed up so big. Well, I did pero hindi pa rin makatarungan ito. Ang ginagawa niya sa akin ay hindi makatarungan kahit saang banda ko iyon tingnan. She is torturing me and my mental health. Bakit ba kasi ayaw niya akong papasukin? Saglit lang, e. Saglit na saglit lang.
"Aba bahala ka riyan, kuya. Umuwi ka na nga. Dalhan mo ako bukas na umaga ng kape ha? Luto ka ng chocolate porridge para masaya."
"Enjoy na enjoy kang ginagawa mo akong maid? Ha?"
"Oo. Minsan lang, e."
Umiling na lang ako. Wala na rin akong nagawa nang makita kong pumasok na siya at sumilip pa talaga sa pintuan just to make sure na hindi ako lalapit doon.
I sighed. I can't take this longer anymore. Napagpasyahan kong umuwi na rin. I need to remember what the hell happened that night.
Matiwasay naman akong nakauwi. Nagdiretso sa kusina para magluto ng kakainin namin ni Mom. I made myself distracted for an entire hour. Adobo lang naman ang niluto at kaunti lang. After that ay kinuha ko ang gitara to ease my mind better. Nakalipas ang ilang oras ay wala pa rin si Mom. It's already ten in the evening. Nakatanggap din ako ng text na medyo male-late siya so I need to eat dinner alone. Para akong ulilang bata habang kumakain. Walang kausap. Walang kasama. The fucking refrigerator felt like talking to me. Ito ang malinaw na malinaw na natatandaan kong may nangyari sa pagitan namin ni Ara.
BINABASA MO ANG
Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)
Romance"My mom wants another grandchild. Available ka bang maging ama, Kurt Valenzuela?" ©️ 2022