05:

1K 35 2
                                    

"Kuya!" Asik ni Kianna. Ngayon na siya naglakas ng loob na magsalita ngayong papaalis na ako at nakalayo na nang bahagya. "Gago ka talaga e 'no? Wala ka na talagang respeto kay Mom. She literally did nothing to make you that mad. Ikaw lang naman ang naghihimutok sa pangangaliwa ni Dad. Okay na kami. Masyado ka lang maarte. It's not the first time but you're acting like it is. Grow up. Akala ko ba matibay ka na?"

Natigil ako sa paglalakad. Napapikit at bumilang lang ng ilang segundo bago bumalik doon. I know my face screams madness right now. Ang inis ko kanina ay tuluyan namg naging galit lalo na sa mga narinig ko kay Kianna.

"Don't ask me that question ever again, Kianna."

"Bakit? Hindi mo kayang sagutin?" Kianna raised her voice. "Baka kasi hindi ka pa talaga nakakamove on ganoong moved on na kami ni Mom? Ikaw lang naman ang apektado rito-"

"One more squeak, Kianna. Hindi na ako natutuwa."

"Bakit-"

I almost lost my cool. My hand moved as to slap Kianna na hindi ko naman balak ituloy pero mabilis na nahila ni Ara ito. Things turned upside down quickly. Ara is now in front of me. Dismayadong-dismayado ang mata at napapailing. Sa tantiya ko rin ay kaya nitong saluhin ang sampal ko kung saka-sakali para kay Kianna. I would never hurt Kianna or anyone.

"Hindi ba sabi ko umuwi ka na? Wala ka ba talagang hiya, Ara?" I hissed at her.

Siya naman ngayon ang nabalingan ko ng galit ko. Inumpisahan ko na siyang kaladkarin ngunit mabilis din namang umapela si Mom at Kianna. Nagtulong sila na tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak kay Ara at masama pa ang tingin sa akin.

"Enough, Kurt." My mom now wearing a seriously mad look but a calm face. "Umupo ka na. Kakain na tayo. Huwag mong bastusin ang niluto ko."

"Nawalan na ako ng gana, Mom. Salamat na lang sa pagluluto-"

"I'll file the divorce myself tomorrow morning. Bukas na bukas din kung iyan ang pinaghihimutok mo, Kurt. I can do that myself. Ikaw lang ang iniisip ko. You love your dad too much that when he disappointed you, hindi mo matanggap. If that divorce will ease your mind, sige gagawin ko. Pero huwag mo akong sisisihin na mawala na nang tuluyan ang tanging koneksyon ninyo ng Dad mo. You know me, Kurt. Sa akin kayo nagmana ng katapangan at kagaguhan. Filing a divorce is just like winning a business deal for me."

Natahimik ako. Napatingin nang tahimik kay Mom as she said that.

"I do not have anything against your dad because our marriage is not founded by love anyway. I was just thankful he gave me the both of you." She said. Naupo na siya. Lumingon kay Ara at ngumiti. "I'm sorry you have to witness this messed up situation on your first visit, Ara. Don't worry, hindi naman kami nagpapatayan dito. Never din kaming sinaktan physically ni Kurt kaya huwag kang matakot. Upo na ka rin. Dito sa tabi ko. Huwag diyan sa tabi niya. I saw how the two of you fought. Baka mamaya ay magkasakitan kayo nang tuluyan."

"Ah e sorry po medyo competitive lang po talaga ako saka sanay na ako sa temper ni Kurt." Nag-aalangang sambit ni Ara.

Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon