Panimula

1.3K 18 0
                                    

Babala:
Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless.

*****

Panimula

*****

"You may now kiss the bride."

Malapad ang aking naging ngiti nang marinig iyon. Hindi ko maipaliwanag ang kilig na nadarama. Yung saya.

At sino ba naman ang hindi mapapangiti sa napaka memorable moment na ito?

Siguro bato na lang ang puso ng taong hindi mapi-feel ang magic ng moment na ito. Siguro siya yung taong pinagkaitan na nang lahat ng magagandang bagay sa mundo. Yung tipong pinagsakluban na ng langit at lupa. Walang pagmamahal sa sarili. Nabigo sa pag ibig o hindi pa nakakatagpo ng tunay na pag ibig.

Ilang beses na ba akong nakasaksi ng wedding? Yun nga lang puro hindi ko naman sila ganun kakilala at lalong hindi kaibigan.

But......

It always fascinates me.

Bawat part ng wedding. Lalo na yung wedding vows. Lagi akong nakakaisip ng magagandang scenario ng magagandang wedding. Lagi akong nai inspire.

Sino naman kayang babae ang hindi nangangarap ng ganitong moment? Sino naman kayang lalake ang ayaw din nito? Kahit na sabihin nila na 'walang forever', alam ko, deep inside, umaasa pa rin. Kasi ganun din ako. Minsan. Kunwari hindi naniniwala sa forever pero kinikilig sa mga weddings, naiinlove sa fictional characters at lovestories, umaasa sa forever. Nangangarap ng forever kahit ... doubtful ako.

Well atleast sa kanila may forever.

Atleast sa kanila may happy ever after.

Buti pa sa kanila.

"Milca?"

Napabuga ako nang hangin at tuloy tuloy sa mabilis na lakad. Mabiis kong sinipat ng tingin ang oras sa suot kong wrist watch. I'm running late. Kainis!

"Milca? Milca, wait!"

Napalingon ako sa tabi ko nang maramdamang may tao. Hinihingal na ito sa paglalakad habang sinasabayan ako. Bahadya akong kumunot noo.

"Oh, Wena?! Bakit?" Deretso pa rin ako sa paglalakad hanggang sa huminto ako sa gilid ng daan. Huminto din siya agad sa tabi ko.

"Ba't ba nagmamadali ka?" Habol niya ang sariling paghinga.

Lah? Ang layo ba ng nilakad namin? Maikli lang yun.

"Bakit?" Halata na siguro ang pag ka aligaga ko. Paulit ulit kongn tinitignan yung suot ko na wristwatch.

Mabigat siyang napabuga ng hangin. "Kanina pa kita tinatawag at sinusundan. Ayaw mong mamansin?"

"Sorry. Nagmamadali lang talaga ako." Umiwas na ako ng tingin sa kanya. Halos manhaba ang leeg ko sa pag-abang ng masasakyan na taxi. Magtataxi na ko dahil male late talaga ako kapag hindi ko pa ginawa.

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon