[Sopresa! Sopresang update!! Lol. Sayang load. Samantalahin ang pagkakataon. Saka.... Busy-busyhan eh. Comment naman dyan, oi. Ahaha.... Salamat. Ciao.]
Page 26
Far
*****
Hindi ko mapigilan ang pagngiti habang nasa biyahe na kami papunta sa bahay ng parents ni Henry. Naalala ko pa rin yung ginawa niya kanina bago kami umalis. Hindi maiwasang kiligin.
"Para kay Mommy ba yan?"
Napalingon ako ng magsalita siya. "Ahm... Oo sana."
Ngumiti siya kahit ang mukha ay nakapaling sa kalsada. "Hindi ka na sana nag-abala."
"Nakakahiya naman kasing magpunta na walang dala na kahit ano." Malumanay kong wika.
"My Mom would understand. Atsaka.... Alam kong matutuwa na siya kapag nakita ka niya. "
Bahadya akong natigilan. "Bakit naman?"
"I just know." Nakangiting aniya.
Ilang sandali pa ay pumasok ang sasakyan namin sa gate ng isang exclusive na subdibvision. Ilang minuto pa ng pagdrive niya ay humantong na kami sa tapat ng isang malaking gate. Bumusina si Henry sa tapat ng gate then bumukas kaagad iyon.
Isang malaking bahay ang tumambad sa paningin ko. Malaki ito as in.... Mansyon. Hindi ko sure yung kulay ng bahay pero alam kong malaki iyon dahil maliwanag naman ang paligid.
Nakita kong sumaludo pa yung guard na nagbukas ng gate para sa amin. Gumanti naman ng ngiti at saludo si Henry.
In-expect ko na magarbo talaga ang tahanan nina Henry pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagkamangha ko.
Huminto ang kotse sa tapat entrada ng mansyon. Napasinghap ako ng mapansin ang isang babae na nakatayo roon. Bumilis ang pintig ng puso ko ng isiping maaaring iyan ang Mommy ni Henry. Parang gusto kong umatras o umuwi na lang.
Naku! Kinakabahan na ko.
Napasapo ako sa tapat ng puso ko. Buntung hininga ng malalim. Kaya ko ba talaga ito?
"You'll be fine Milca."
Napapitlag ako sa kinauupuan ng maramdaman ang mainit niyang palad sa ibabaw ng kamay kong may hawak ng bulaklak. Napatingin ako sa kanya.
"Kinakabahan ka?" Ngumiti siya.
Mahina akong tumango.
"Don't be. Kasama mo naman ako and... Thea." Nakangiting sinulyapan niya sa Thea na tahimik na nakaupo sa likod. "Saka, hindi naman nangangagat ang parents ko. Mababait sila."
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...