Page 5
Double date
*****
Yung encounter namin ni Henry, na binati niya ako, ay naulit pa ng ilang beses. Palagi ko siyang nakikita sa building nina Emy. Nadadaan kasi ako roon palagi at madalas ko ngang masalubong si Henry. Nagdududa na talaga ako sa relasyon nilang dalawa. Actually, hindi na ako magugulat kung sasabihin ni Emy na may something na sa kanila. I mean.... Hindi naman nakakapagtaka yun dahil pareho silang famous sa school. And they look good together.
Pero bakit parang naiinis ako. Tsk.
Bumuntung hininga ako ng malalim.
Tulad ngayon.
Mula sa kinasasandalan kong railings ay natatanawan ko sina Emy at Henry na naglalakad sa gilid na walkway ng open field. Nasa second floor ako ng aming building at nakaharap ito sa field at dahil kilalang kilala ko na ang kilos at pananamit ni Emy, kahit malayo ay nakita ko ito.
Lagi na lang silang magkasama. Kainis hah.
Mamaya na ang dryrun nang concourse pero imbes na maging excited.... Hindi ako excited. Wala na akong klase dahil tapos na ang semester at narito lamang kami para sa practice. Si Emy.… ewan ko. Hindi ko na sure kung ano ang purpose niya dahil mukhang napunta na ang lahat ng atensyon niya sa bago niyang kaibigan. Datirati naman, kapag may bago siyang boyfriend ay hindi niya isinasacrifice ang oras na kasama ako kapalit ng sa BF niya. Nag iba na ngayon. It is not like, wala akong ibang kaibigan sa school pero si Emy ang pinakaclose ko kaya nasanay na talaga ako na lagi ko siyang kasama.
Nagkibit balikat na lamang ako at lumakad na papunta sa auditorium. May ilang estudyante pa akong nasalubong at nang malapit na ako sa pakay ko ay biglang may tumawag ng aking pansin.
Biglang binalot ng panlalamig ang aking sikmura at bumilis ang kabog ng aking puso. Nag alanganin ang mga paa ko na humakbang pero kailangan kong magpatuloy.
Nakita ko kasi si Aaqil na nakatayo sa gilid lang ng entrance ng audi. Para bang may inaantay siya na dumating. Nag angat siya ng tingin at agad na nagsalubong ang mga mata namin.
I gulped hard.
"Miss Miranda." Boses niya.
Tsk. Kilala niya ako?!
Napahinto ako sa paghakbang at siya naman ay lumapit sa akin.
"Hi." Bati niya saka alanganing ngumiti.
Natulala naman ako. Ito ang unang beses na kinausap niya ako. Hindi ko nga alam na kilala niya ako by name.
"Ha-hi." Aniko ng bahadyang mahimasmasan. Dyoskupo! Ang puso ko. Nagwawala na sa pwesto.
Tumingin siya sa paligid na tila may hinahanap.
Ano pa bang hahanapin mo? Nandito naman ako. Tsk.
Napasapo siya sa kanyang batok ay muling tumingin sa mukha ko. Hesitant siyang magsalita.
"May hinahanap ka?" Mabagal kong sabi. Hindi ko din maialis ang tingin ko sa kanya.
Mahina siyang tumango. "Actually, yes. Hinahanap ko si Emery."
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...