Page 30
Kept
*****
I looked behind at napaawang ako ng labi nang makilala kung sino yung dumating.
He was....
"President!!!" Tumayo ang isa sa bisita ni Henry na lalake at lumapit kaagad sa bagong dating. They friendly hugged.
"Kamusta?" Nakatawang bati naman ng bagong dating.
Si Aaqil?
Hindi ko alam na friends sila ni Henry. Haist! Anubayan?!
Naging abala si Aaqil sa pagbati sa mga naroon. Pinagkaguluhan kasi siya agad kaya hindi niya ako napansing halos nasa gilid niya lang. Parang gusto ko namang magtago. Pumailalim kaya ako sa mesa? O umalis na kaya ako? Oo nga! Mag aalibi na lang ako na masakit ang ang tyan ko para makauwi na ko!
"Aaqil!" Marahang tumayo si Henry para bumati ako naman napayuko.
Tsk! Henry! Pahamak ka talaga!!
"Henry. Salamat sa pag-imbita." Narinig kong wika ni Aaqil. Parang naging mas malalim yung boses niya. Siguro dahil nagmature pa siya.
Gustong gusto ko na siyang lingunin pero... Grabe! Grabe ang kaba ko. Hindi ko mapakalma ang pintig ng puso ko.
Its been years... Tsk! Years! With -s.
"Mabuti nga at nakarating ka. Akala ko hindi dahil sabi nila Jason nasa ibang bansa ka." Masigla ang tono ni Henry habang nagsasalita.
"Kababalik ko lang actually." Si Aaqil.
"Thats good to hear. Anyway... I want you to meet my wife."
Mariin akong napapikit. Oh, no, please! Pahamak ka talaga Henry!!
"Asawa mo? Hindi ko alam na nag asawa ka na?" Ani Aaqil. Na may kasamang tawa.
"I did." Naramdaman ko ang pagpatong ng dalawang kamay ni Henry sa magkabila kong balikat. Napapitlag ako sa ginawa niya. "Babes."
Mabigat akong napabuga ng hangin. Wala na kong choice. Marahan akong lumingon at agad kaming nagkatinginan ni Aaqil.
Nakita ko ang gulat na gumuhit sa kanyang mukha. Alanganin akong ngumiti saka tumayo. "Ha-hi."
"Michaella?" Aniya. Sa wakas ay nakatagpo siya ng boses para magsalita.
"Ako nga, President. Kamusta?" I extended my hands to him for a greeting.
I was quite habang naroon. Panay ang usap nila tungkol sa college days. Hindi ko naman sila kabatch but somehow nakakarelate naman ako. Paminsan minsan ay umaalis sa tabi ko si Henry para asikasuhin ang mga inihahain sa amin na pagkain but most of the time ay nasa tabi ko siya. Mabuti na lang talaga. Hindi ko kasi alam kung paano kikilos lalo pa't sa katapat ko lang na upuan nakaupo si Aaqil.
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...