Page 23

331 13 0
                                    

Page 23

Tinatanggap

*****

Hindi ko alam kung bakit parang ang gaan lang sabihin nun.

Payag na ako

Parang ang dali lang nung sabihin. I wonder why.

{Flashback}

"Payag na ako sa marriage contract na sinasabi mo." 

Sandaling namagitan sa amin ang katahimikan. Hindi ko sure kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko na sabihin iyon. Pero..... Hindi talaga yun madali.

"Bakit bigla yatang nagbago ang isip mo?"      Sapat niyang tanong habang walang kurap na nakatitig sa akin.    

Bumuntung hininga ako ng malalim.      "Balak ko pa lang na hingan ng tulong sina Kuya Migz pero naunahan mo na ako. Sinabihan mo na sila. Yun din ang gagawin ko. Nahahalata na nila ang tungkol sa yo at kay Thea. Bago pa nila malaman, mas mainam na ayusin ko na ito."  

"Hmm.... "     napatango siya at humalukipkip.      "I see."

Mataman ko siyang tinitigan sandali.       "Bukas pa naman ang offer mo na yun hindi ba?"

"Of course."     Natawa naman siya ng mahina.      "Ikaw lang naman ang in-offer-an ko ng kasal."  

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon