Page 21
Kaibigan
*****
Naging mabuti na ang lagay ni Althea after a day. Kumulit na nga siya uli. Nailabas na rin namin siya agad at niresetahan na lamang ng doctor ng ilang gamot.
"My, play!!" Kanina pa ako sinusundan ni Althea sa loob ng bahay. Gusto niyang lumabas at maglaro pero hindi ko siya pinapayagan dahil kakalabas ba lang niya ng ospital.
Ang kulit!!
"Hindi pwede. Dito ka na lang magplay. Bawal ka pang lumabas." Paulit ulit ko na yung sinasabi.
"But i wanna play outside!!" Naluluha na ang mga mata niya. Iiyak na anytime.
"Althea, wag matigas ang ulo. Sinabi nang hindi. Hindi pwede." Nilangkapan ko talaga ng galit ang tono ko.
"Mommyyyyy!!!!" Then she started crying.
Bumuntung hininga ako ng malalim.
"O, anong iniiyak niyan?" Pumasok sa loob ng bahay si Nanay mula sa labas.
"Nay, ang aga niyo po?" Nagtataka ko siyang sinalubong at nagmano.
Dapat mayamaya pa ang uwi niya. Past two pa lang ng hapon.
"May nakalimutan ako dito kaya kukunin ko lang at babalik ako roon." Linapitan niya si Althea at hinalikan sa buhok. "Apo, anong problema?"
"I wanna play...." Wika ni Althea sa pagitan ng pag iyak.
Humalukipkip ako habang nakatingin sa kanila.
"Pwede kang mag play dito. Wag na sa labas." Sagot ni Nanay. Syempre, hindi rin niya papayagan na lumabas si Thea. Hindi pa nga kasi pwede.
"Sa labas!!!!" Ungot ni Thea.
Haist! Ipipilit niya yang gusto niya.
Wala sa loob na napalingon ako sa may pinto ng bahay. Napalis ang ngiti ko automatically. Saka ko lang napansin na may nakatayo roon at nakatingin din kina Nanay. Tahimik lang siya roon na nakatayo. Unti unting napaawang ang labi ko at bumaba ang mga kamay sa gilid ng aking katawan.
What the......
Lumipat ang tingin niya sa akin at agad akong napasinghap sa gulat at kaba. Kumalabog ang puso ko at bumilis ang pintig nito.
Nang magtama ang mga paningin namin, nakadama ako ng kilabot. Parang nagtayuan ang mga balahibo ko.
Totooba ito??!
"Dadi!!" Masigla at malakas na boses ni Althea!
Umiwas siya ng tingin sa akin at bumaling kay Thea.
"Princess!!!" Nakangiting aniya.
Tumakbo papunta sa kanya si Althea at agad agad naman nitong sinalubong ng yakap ang bata.
Oh no!
Napasinghap ako.
This can't be happening right?!
"Dadi, i miss you." saka kiniss pa ni Althea ito sa pisngi.
"I miss you too, princess. So much." Aniya saka yinakap muli si Althea. Nakapikit pa siya nun.
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...