Page 17
Dreamscape
*****
Umaga pa lang ay busy na ako sa bahay. May darating kasi na mga bisita si Nanay ngayong tanghalian. Nagkataon kasi na si Nanay ang Hermano Mayor nang fiesta sa bayan ngayon at mayroon silang pulong/meeting para paghahanda sa magaganap na event.
Actually, matagal na itong naumpisahan na planuhin at ngayon ay iyong mga huling paghahanda na lang ang pag uusapan. Next week na kaya ang fiesta at excited na rin ako dahil na-miss ko ang fiesta dito last year. Masaya pa naman yun.
Nasa kusina ako mula umaga. Hinayaan ko si Thea na maglaro kasama ang mga batang anak nang kapitbahay namin. Nasa bakuran lang naman namin sila naglalaro at natatanawan ko sila mula sa kusina. Hindi talaga mahirap para kay Thea ang mag adjust sa bagong environment. Madali talaga siyang makahanap ng mga makakasundo. Mabait kasi at swerte ako sa kanya.
"Sobrang busy ah." Narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa likod ko.
Gulat akong napalingon at nakita ko kaagad si Emman na nakatayo sa may bungad nang komedor. Pinasadahan ko siya ng mabilis na tingin.
He was wearing a plain gray shirt. Tapos short naitom na above knee. Nakatsinelas siya.
Hindi mo aakalain na anak din ito nang isa sa mayamang pamilya sa San Simon. Actually, pinakamayaman na nga yata. Dahil nung huli ko siyang makita ay four years ago pa. Bago ako bumalik ng Manila at bago nagbago ang ikot nang mundo sa akin.
Ang alam ko, nang umalis siya ay nagpunta siya sa Amerika. Hindi ko na alam kung kelan pa siya bumalik o kung anong ginawa niya roon.
"Medyo, obvious na busy, di ba?" Pilit akong ngumiti at bumaling muli sa kaninang ginagawa ko.
"Is there anything i can do to help?" Wika niya.
"Hindi na. Patapos na rin ako." Malapit na noong magtanghalian. "Nagugutom ka na ba kaya ka nandito? Pwede ka ng kumain dyan."
"I came just in case you need help." Aniya.
Nagkibit balikat ako.
Nilingon ko ng tingin yung pwesto nang ini-steam ko na mga puto. Para yun mamayang hapon and i guess, it'll be fine.
"Honestly." Dinig ko ang yabag niyang papalapit. Napatingin ako sa kanya. Tumayo siya sa kabilang side nang nakapagitan na mesa sa amin. "I still can't believe that you are a mother now. I heard that your career is doing good."
"Ano ang hindi mo paniwalaan? Yung maganda ang career ko o yung fact na may anak na ako?" I smiled a little.
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...