Page 27
Married in paper
*****
"Oh, my God! Hindi nga?"
Hindi makapaniwala si Cedes nang ikuwento ko kinabukasan yung ginawa ni Henry kagabi bago kami magpunta at makipagdinner kasama ang parents niya.
Yung tinugtugan niya ako ng violin.
Napapangiti pa rin talaga ako kapag naalala ko yun. Tapos nandito pa kami ngayon sa salas nang condo unit. Kaya malinaw na malinaw pa sa akin ang alaala.
Tss. Ayokong matuw pero hindi ko mapigilan. Panu ba pipigilan ito?
"Ayy, ikaw na talaga! Haba ng hair." Nakangising wika ni Cedes.
Nagkibit balikat ako at ibinaling ang pansin sa ginagawa kong pagbi braid sa buhok ni Thea.
"So, kamusta naman ang feeling?"
"Feeling?" Taka ko siyang sinulyapan.
"Yung feelings? Alam ko kinikilig ka." Nakatawang aniya.
"Tss. Hindi noh." Ismid ko.
"Denial." Aniya. "Kasal na kayo pero napapakilig ka pa rin niya. Ang sweet niya. Swerte ka talaga."
"Sweet naman talaga siya. Kahit sa mommy niya sweet siya."
"Pero iba pa rin kapag sa'yo. Syempre asawa ka niya kaya extra special yun."
"Malay ko ba kung may nagawan na siya ng ganun noon." Lihim akong napasimangot. Oo nga noh. Sa dami ba naman ng naging karelasyon niya malamang nagawa na niya ang ganun.
Si Bethel din kaya?
Iling iling. Sabi niya friends lang sila. Saka.... May boyfriend na si Bethel. At pinsan pa niya. Angalan namang sulutin niya yung syota ng pinsan niya noh?
Tango.
He said she's a friend. Friend lang.
"Huy?" Boses ni Cedes na nakapagpabalik sa lumulutang kong isip.
"Hmm?" Huminga ako ng malalim. "Kailangan ko ng umalis. " Niyakap ko si Thea mula sa likod. "Baby, si Tita Cedes muna ang bahala sa yo ah. Be a good girl. "
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
Fiksi UmumBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...