Page 13
Concern
*****
"Hindi ka pumasok?"
Naupo sa tabi ko si Cedes. Nasa isang bench kami sa loob lang ng compound ng school kung saan nag aaral si Althea. Kakapasok pa lang ng anak ko at maghihintay kami ng ilang oras hanggang matapos ang klase niya.
Tinignan ko siya at nginitian.
"May sakit ka ba?" Sinalat niya pa yung leeg ko at natatawang napaiwas naman ako.
"Wala noh!" Umiling ako.
"Hindi ka din pumasok kahapon."
"Nakaleave ako."
"Weird mo." Nailing naman siya. "Ikaw na napaka workaholic? Nakaleave?"
"Let just say.... Gusto ko lang ng konting pahinga. Hindi ba pwede yun?" Nakangiting wika ko. Inabutan ko siya nang dala kong sandwich. Pinagbaon ko kasi nun si Althea at nagpasobra ako nang para sa amin.
"Kunsabagay. Kailangan mo rin naman ng pahinga." Aniya.
"Feeling ko nagkukulang na ako kay Thea kaya ako nandito."
She chuckled softly. "Hindi naiisip ni Thea yan. Masyado siyang mabait. Hindi ko nga alam kung kanino siya nagmana. Parang hindi naman sa'yo."
"Ayy, grabe naman siya." Natawa tuloy ako.
Tinawanan niya lang din ako.
Ewan ko ba. Hindi ako madalas mapagkamalan na may anak na. Wala daw sa itsura ko. At kapag sinasabi ko na may anak na ako, hindi agad sila naniniwala hangga't hindi ako magpakita ng pictures.
Wala namang masama sa pagiging single mom. It is like an achievement pa nga para sa akin. Well, only a strong willed woman can endure the hardship of having a child with only herself to help. Lalo na ngayon na napakahirap ng buhay.
"Mommy!!"
Hindi ko na namalayan na lumipas na pala ang oras. Nagkukwentuhan lang kasi kami ni Cedes ng kung anu anong bagay. Tumayo kami ni Cedes sa bandang gilid malapit sa gate kung saan tanaw namin ang nakapilang klase nina Thea.
Napangiti ako ng malapad.
Kahapon nang sunduin ko din si Thea ay nilapitan ako ng teacher niya at kinilala. Mabait ang teacher niya at maganda.
Dumaan kami sa grocery pauwi.
"Deretso bahay na kayo di ba? May ibibigay yata si Mama para kay Thea. Hindi ko naman kasi alam na susunduin mo din siya ngayon." Wika ni Cedes habang nag-iikot kami.
"Oh? E di daan muna tayo sa inyo?" Sabi ko. "Ay, kaya lang magluluto pa pala ako."
"Kami na lang. Sandali lang naman yun ta's ihatid ko si Thea. Sa inyo ako makikitulog ngayon." Nakangising aniya.
"Bakit?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...