Page 6
Special friend
*****
Sa isang malaking mall kami napunta. Sasakyan ni Henry ang naging transpo namin and okay lang naman daw sa kanya. Sikat na foreign movie ang aming panunuorin at marami ang tao noon.
"Bili muna tayo ng popcorn." Nilingon ako ni Emy. "What do you like, Bes?"
Alanganin akong ngumiti. "Cheese."
"As usual. Hindi ka pa ba nagbabago ng preference?" Nakangiting aniya.
Nagkibit balikat ako.
"I think i'll go with cheese also." Nakangiting wika ni Henry. Tinignan niya ako at kinindatan.
Napasinghap ako ng wala sa oras.
"Cheese na rin sa akin." Wika ni Aaqil na nasa tabi ko lang halos.
Hindi ko magawang lumingon sa kanya kasi feeling ko magbablush lang ako kapag ginawa ko. Kahit napaka-awkward ng sitwasyon, hindi ko rin mapigilan ang kilig ko.
"Parepareho pala tayo ng gusto eh." Wika ni Emy atsaka nauna na sa may bilihan ng pagkain.
Sobrang ganda ng movie at kahit paano ay naapreciate ko iyon. Hindi na lang talaga ako nag isip ng kahit ano para lang hindi sumama ng husto ang mood ko. Though hindi ito kasing saya ng iniimagine ko.
Nag uusap naman sina Aaqil at Henry, i think Henry is a good conversationalist. Madali siyang makihalubilo sa iba pero hindi ko yun magawa. And Emy is the same. She's a jolly person by nature. Kaya magkasundo sila ni Henry.
After ng movie ay nagikot ikot kami sa mall. Nauunang maglakad sa amin ni Aaqil sina Emy at Henry. Parang may pinag uusapan silang seryoso at nananahimik naman ako. Tahimik lang din si Aaqil. Hindi ko alam kung paano mag open ng conversation sa kanya. Siguro ang boring ko lang talaga.
Mayamaya'y huminto yung dalawa at humarap sa amin. Napahinto kami sa paglalakad.
"Ano..." si Emy. Parang nahihiya ito sa sasabihin. "Okay lang ba na mauna na kami ni Henry na umalis? May biglaang ganap kasi."
Napaawang ako ng labi sa gulat. "Hah?"
"Bess..." Nilapitan ako ni Emy at ginagap ang dalawa kong kamay. "Sorry. I'll explain to you later hah. Tatawagan kita."
"Ahh...." Hindi ako makasagot ng tama. Tsk. Iiwan niya ako na kasama si Aaqil?
"Okay lang." Narinig kong wika ni Aaqil mula sa likod ko.
"Salamat Aaqil." Ngumiti naman si Emy rito. "I hope you enjoyed the movie."
"Oo naman. Salamat din." Sagot ni Aaqil.
Napalunok ako.
"Bess...?" Sandali niya akong tinignan then ngumiti.
Bumuntung hininga ako ng malalim. "Okay. Ingat kayo."
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...