Page 32
Not this time
*****
Huminga ako ng malalim. It was the nth time.
"Nag away ba kayo ni Henry?" Kuryosong tanong ni Cedes sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot. Tinignan ko lang siya ng walang.... Iniisip.
Napahalukipkip siya habang nakatayo sa tapat ko saka bumuga ng hangin. "Obviously. Ilang araw ka ng ganyan. Ano bang pinag-awayan niyo?"
Huminga ako ng malalim.... Na naman.
"Hindi kami nag away. Wala kaming dapat pag awayan." Walang gana kong sagot.
"Wala? Pero ilang araw ko ng napapansing ang cold niyo sa isa't isa. Hindi kayo nag uusap. Kung mag usap man kayo, good morning hello lang. Ano yun?" Pinagsalubong niya ang kanyang mga kilay. "Yung totoo Milca? What is happening?"
I stared at her blankly.
Ayoko na sanang isipin pero... Ang hirap pa lang mag panggap na okay kung hindi ka naman talaga okay.
Malamig. Tahimik. Para nga kaming may cold war ni Henry and it is my fault.
Tsk. Hindi ko din naman maintindihan kung bakit siya magagalit.
Ang nangyari kasi....
*flashback.…
Tinanghali ako ng gising ng araw na iyon. A day after a day na nagkita kami ni Emy.
It feels like yesterday though.
Naabutan ko sina Henry at Thea na masayang nasa kusina at naghahanda ng almusal. Hindi na yun bago sa akin kasi madalas nilang gawin. Pero kung dati, natutuwa ako, i feel indifferent now.
Siguro kasi andami kong iniisip at habang tumatagal ay lalong lumalala ang pagka.... Negative ko.
I just looked at them. Stared at a moment.
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...