Page 12
Your kiss
*****
"Let's talk."
Suminghap ako. Nakita ko na seryoso siya kaya hindi agad ako nakapagsalita.
Humakbang pa siyang palapit sa akin. Napakurap ako ng mga mata. Nadama ko ang unti unti niyang pagbitaw sa aking palapulsuhan hanggang sa tuluyan niya iyong bitiwan.
"Ano bang sasabihin mo?" Napalunok ako ng tahimik. Gusto kong umiwas ng tingin pero para akong nahi-hipnotize na tumitig sa mga mata niya. His eyes were brown. Malamlam lamang.
"I'm sorry." Sapat niyang wika.
"Hah?!" Gulat kong react.
"Sabi ko, sorry." Aniya. "Sorry na kung nagalit ka."
Bumuntung hininga ako ng malalim.
"Susubukan kong hindi na ako malate uli."
Natigilan ako saglit. "Hah?!"
Malalim siyang humugot ng hangin. "At kung ayaw mo na may kinakausap akong ibang babae. Hindi na mauulit. Para lang wag ka ng magalit. Hindi na uli."
Napaawang ako ng labi.
"It's not my fault that i am this....handsome. Tsk. Mahirap din naman sa akin na hindi pansinin ang mga girls na nagkakagusto sa akin. It is not gentleman to do so. Ayokong makasakit ng feelings lalo na ng mga babae. Masyado silang fragile."
"YAH! HENRY SANTILLAN!!" Malakas akong napasigaw.
Umatras siya bigla at manghang napatitig sa akin.
Napapiksi ako. "Grabe ka talaga! Tsk! I don't care how many heart you'll break or how you'll do it. Wala akong balak sumama sa mga babae mo. Don't treat me like how you treat them. Don't....play me." Sabay duro sa kanya.
Hindi naman siya nakaimik. Siguro nabigla sa sinabi ko. Mabigat akong napabuga ng hangin after.
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin.
"Ang sungit mo talaga sa akin. Akala mo ba past time lang lahat ng ginagawa ko ngayon?"
"Oo. Hindi ba?" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay.
"Ang lupit mo naman sa akin. I maybe playful at times." Mahinang aniya pagkaraan ng ilang sandali. "But I'm serious with you."
Natigilan ako.
"Alam mo ba na noong sinabi mong....playboy ako." Napailing pa siya. "You know, it hurts. Nasaktan hindi lang pride at ego ko, higit pa roon. Hindi ko inakala na ganun ang tingin mo sa akin mula noon hanggang ngayon. But i cannot blame you. I've been like sht anyway. But... As i said before. I can be serious if i want to." Huminga siya ng malalim at tumitig sa aking mga mata. "I can be loyal and faithful if i want to."
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...