Page 4
Uuwi
*****
**20##, Saint Therese Academy.
Habol ko ang aking paghinga nang makarating sa auditorium ng school. Okupado na ang apat row sa gitnang bahagi na mga upuan mula sa harap. Iilan lang naman kami sa club.
Pagkaupo ko sa bungad na upuan ay napabuga ako ng hangin. Malayo ang mabilis kong nilakad para lang makarating ng tama sa oras. Eventually, hindi pa naman nag uumpisa ang aming meeting at late na ako nito ng half hour.
"Buti umabot ka." Biglang may nagsalita mula sa harap ko.
Pagtingin ko ay nakalingon na sa akin ang isa sa clubmate ko at nakangisi. Nagulat pa ako nang makilala ito.
"Emy?!" Nagsalubong kaagad ang mga kilay ko.
Tumawa siya at tumayo. Umalis siya sa pwesto para makalipat yata sa tabi ko.
"Himala. Naunahan mo ako ngayon." Natatawa kong sabi habang papaupo na siya.
Emy was my bestfriend dito sa STA. Emery Gail Hilario. She's a third year Business Administration student. Samantalang ako ay nasa HRM, same to her, third year. Hilig ko kasi ang magdrawing at magkulay. Sa tingin ko bagay naman sa akin ang course ko.
"Hindi nagkataon." Nakangiti niyang wika. "Late ka lang talaga."
"Galing akong klase." Sinimangutan ko nga siya.
Late kasing nagdismiss yung Prof namin. Hindi ko yun kasalanan. Malayo ang building namin sa auditorium. Pero kamusta naman? Late na nga ako pero mas late pa yung mga facilitator ng meeting. Tss.
Nagkakilala na kami ni Emy dito mismo sa club. Music club. Magkakasama rito ang iba't ibang musicians at instrumentist ng school at nagkataon naman na pareho kami ni Emy na marunong tumugtog ng piano. Actually, mas magaling siya sa akin. Marunong lang ako. Dapat ay sa choir ako sasama pero gusto kong i enhance ang pagtugtog kaya ako narito. I enjoyed it eventually... I mean.... Hindi naman ito nalalayo sa forte ko. At nakilala ko si Emy kaya nakatagal ako ng three years.
Emy.... Is an outgoing person. She's pretty and famous sa school. Maganda nga kasi. She has short kinky hair na natural na daw niya. Meron siyang barbie doll like body at minsan.... Naiintimidate din ako sa kanya.
Like.... Ang ganda niya kasi! Nakaka-out of place ang itsura kong mukhang secretary niya lang. Though, sabi niya.... Sabi niya lang. Maganda naman ako.
Pero sabi din nang Nanay ko yun. Anyways......
Unlike Emy, wala akong barbie doll body. Hindi naman sa flatchested ako, tama lang ang katawan at figure ko sa edad ko. I'm 20 na ngayon same as her. Petite ako actually. Mahaba ang buhok ko na itim at may paoblong na mukha. Emy has more fierce face look samantalang ako ay mukhang mabait. Mabait naman talaga ako, at times. Pero pang modelo talaga ang ganda ni Emy. Madalas ko nga siyang gawing model sa mga designs ko at critic ko din siya kaya siguro naging extra close kami.
"Kamusta? Kamusta?" Excited niyang tanong sa akin. Wala pa naman eh. Hindi pa nagstart ang meeting.
"Kamusta ang ano?" Natatawa ako sa kanya kahit walang dahilan pa.
"Yung crush mo? Crush ka na rin ba?"
Natawa ako. "Hah! Baliw ka talaga!"
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...