Page 8

399 16 1
                                    

Page 8

Lie

*****

*Present

"So nagkasama kayo sa club for a sem then wala na?"  

I nodded.

Nasa airport na kami ni Wena at naghihintay na mapasakay sa eroplanong magbabalik sa amin sa Maynila. Si Madame naman ay naiwan pa sa Isla.

"But he seemed to have fond in you. Nakita ko kasi yung titig niya habang nasa reception tayo. He's eyeing on you. Undoubtly." 

Umiling ako. Alam ko yun at wala akong pake. Like... Nasabi ko lang naman ang totoo. He's a playboy. I stand to that belief at nakita't narinig ko naman.

"Wala lang yun."     Sabi ko.

Then hindi na namin pinag usapan uli iyon. It dies its natural dead, ikanga. Bumalik kami ng Manila and everything went back to normal. Even our daily routine. Days passed by.

Sa umaga. Maaga akong nagigising para magprepare sa pagpasok ni Althea sa school. Hinahatid ko rin siya bago ako pumasok sa work. Three hours pa lang naman ang klase niya at after class ay ang pinsan kong si Cedes ang sumusundo sa kanya then she'll stay in their house. May kapatid pa kasing nag aaral si Cedes na siyang nagiging kalaro ni Thea hanggang sa sunduin ko siya ng mga around five-thirty ng hapon. Five kasi ang out ko sa shop. Wala din namang problema sa Tita ko, ang mother ni Cedes. Natutuwa naman daw siya sa pag aalaga sa anak ko and I am too glad they were.

Maswerte talaga ako at hindi spoiled bratt ang baby ko. I mean... Hindi siya yung mahirap alagaan. Masunurin siya at matalino. May kakulitan pero masayahin naman.

"Mommy!!!"      Tumakbo kaagad si Thea upang salubungin ako sa may pinto pa lang nang bahay nina Cedes. It was an apartment na may tamang lake at nasa maayos naman na neighborhood.

"Hi, baby."      I hugged her tight when she reached me. Her hair was a bit mess. Yung pigtails na ayos ng kanyang buhok ay magulo na at hindi na pantay. I cupped her face gently and kissed her on the cheeks.       "I miss you, baby."

"I miss you too Mommy."      She said in full smile.

Pumasok kami sa kabahayan at naabutan ko sina Tita Jane at Cedes na nasa kusina at nag aayos ng mesa. May nakahandang pancakes sa mesa na agad binigyan ng pansin ni Thea at ng pinsan nitong si Jemica which is ten years old na.

Nakangiti ako. Minamasdan ko sina Thea at Jemica na kumakain nung pancake. Parang biglang nakalimutan ni Thea na narito ako para sunduin siya. Matapos makabati at magmano kay Tita Jane ay naupo ako sa tabi ni Thea.

"Ngayon pa lang kami nakapagmeryenda."        Wika ni Cedes nang tabihan ako.

"Bakit?"     Pasimple kong hinawi ang ilang takas na buhok ni Thea at iniipit sa tenga nito.

"Nagpunta kami sa park."      Sagot ni Cedes.

"Mommy!"      Biglang inagaw ni Thea ang pansin ko.  

"Oh?"   

"Nagpunta po kami sa park ta's nagplay kami ni tita Mimi."  

Ngumiti ako at pinahid ng daliri ang konting syrup na nasa gilid ng kanyang labi.        "Anong nilaro niyo?"

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon