Page 24
Bisita
*****
"Sabi ko na nga ba, friend! Babalik kang muli!" Tuwang tuwa si Wena pagkakita sa akin sa shop namin.
Ngumiti ako. Bumalik na ako. Sa Manila at sa work. Yun kasi ang usapan namin ni Henry. Since ang trabaho niya ay narito din naman sa lungsod. Hindi naman tumutol sina Nanay. Syempre.... Kasal na kami ni Henry at sa tingin nila.... Totoo yun.
A day after our civil wedding, naghanda na kami pabalik ng Manila. Nakasunod lang ako sa flow ng nangyayari. Parang hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa utak ko na... Kasal na ko.
Kasal na ko.
Kasal na ko.
May asawa na ako at pamilya.
Mariin akong napapikit at umiling ng mahina. How could this happen??!
"Huy, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Wena. Napatingin ako sa kanya. Walang ideya si Wena na kasal na kami ni Henry pero alam ni Madame. Sinabi ko kasi rito at ang weird lang parang hindi siya nagulat o nagtaka. Natuwa pa nga siya at binati pa ako.
Hmm.... Something's fishy.
"Okay lang ako, Wena." I said. "Iniisip ko lang itong schedule ng next wedding na inaayos natin."
"Sus! Medyo matagal pa naman yan." Nakangiting aniya. "Lilipat na tayo ng office bukas. Mas excited ako roon."
Natawa naman ako. "Bakit naman?"
"Wala lang. Masaya lang kasi sa business center na tayo tapos… sa isang malaki ang kilalang business building na tayo. Ibig sabihin... Ang chance na makita ko na si Mr. Right at malapit na." Parang nangangarap niyang sabi. Nakatingin kasi siya sa kisame at namumungay ang mga mata.
"Bakit? Sino ba ang Mr. Right sa yo?"
"Aba! Syempre yung ideal." Sagot niya agad. "Yung gwapo, mayaman, matikas, matalino, mabait, responsable, mapagmahal, malambing~~"
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...