Page 25

360 14 0
                                    

Page 25

I promise

*****

May dalang egg sandwiches si Bethel. At infairness naman, masarap yun. Hindi ko nga lang masabi kasi masyado silang enjoy na mag usap ni Henry. Parang ang tagal naman nilang hindi nagkita.

Nagustuhan din ni Thea yung dala ni Bethel. Mukhang magkakasundo nga sila kasi very friendly naman ang dalaga.

"Wedding coordinator ka pala Milca?"    

Napatingin ako kay Bethel ng sabihin niya yun.

Ayy! Nandito pala ako. Hindi ko alam ah.

Pilit akong ngumiti at tumango ng mahina.     "Oo." 

"Nasa fashion designing naman ako. Wow! Mukhang magkakasundo tayo."      Nakangiting aniya.

"Oh, talaga?"     

"She work unde Fashion H. Alam mo yun?"      Sabad naman ni Henry.

Of course!! Ano ko... Ignorante?

"Oo naman, alam ko yun. Most of our clients prefer Fashion H designs sa mga wedding dresses. I highly recommend it also."   

"You should collaborate once. Magandang ideya yun di ba?"        Wika ni Henry then nagpalitan sila ng makahulugang ngiti ni Bethel.

Tss, parang wala ako dito ah. Sana nag date na lang silang dalawa sa labas hindi yung dito pa talaga at nakikita pa ng anak ko. Nakakairita na.

"Thea,"      humugot ako ng maraming hangin.      "Go change your clothes now. Magtooth brush muna. Pupunta na tayo sa office."  

"Isasama mo siya sa office?"     Takang tanong ni Henry.

Pakelam mo!

"Yes. Doon siya susunduin ni Cedes. Sige na Thea."     Umiwas ako bg tingin kay Henry.

"Yes po Mommy."        Agad ng tumalima sa utos ko si Thea.

Nang maiwan na kaming tatlo roon ay tumayo na rin ako at iniligpit ang pinagkainan ni Thea. Dinala ko yun sa sink at nagsimulang hugasan.

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon