Page 9

406 19 5
                                    

Page 9

Gulat

*****

"Anong sinasabi mo?"      Gulat na gulat ako sa sinabi niya ni hindi ako makakurap ng mga mata. He was just serious staring at me at hindi ko siya mabasa. 

Where the hell did that came from??? Paano......???

Napalunok ako at huminga ng malalim. Parang may naghahabulang daga sa loob ng dibdib ko thus hindi ko magawang alisin ang titig ko sa kanya. Nanginginig ako. Sa ilalim ng mesa, patuloy na nangangatog ang mga tuhod ko at pinanlalamigan.

Matapos ang ilang sandali ay kumalas ng tingin si Henry at nailing. May sarcastic na ngiti sa kanyang labi na hindi ko malaman kung para saan.

Halos pigilan ko ang aking paghinga sa kaba.

Napapitlag ako ng tumayo na siya at muling bumaling ng tingin sa akin.        "That will be for today."    Aniya saka ipinamulsa ang mga kamay sa suot na pants.       "I'll take note of your suggestions pero babalik pa rin ako."

Tumayo ako ng humakbang na siyang paalis.       "Hindi ko tatanggapin ang kasal mo!"    

Napahinto siya at dahan dahang lumingon sa akin. Amusement was on his face now pero parang hindi naman siya nagulat.       "Why not?"

Napasinghap ako ng marahas.      "I--I won't. I mean.... We... Won't. Ma----may... Schedule na kami. We're busy--"

"That won't be a problem."       Walang anumang aniya.      "I can adjust to your schedule. Saka hindi pa naman ako magmamadali."

"We are fully booked. Hindi na namin maha-handle ang sa iyo. Baka matagalan. You better find another who can handle the business."    Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi.  I am doomed!

"That's funny, Milca."       Humarap siyang tuluyan sa akin.     

"I--I'm serious." 

"Tinanggap niyo nga ang isang buwan na preparation sa kasal bakit hindi ang sa akin? Hindi naman ito rush katulad nang sa pinsan ko. O baka....."       Itinukod niya sa mesa ang dalawa niyang kamay at nag lean papunta sa akin.

I almost lost my footing.  Napakapit ako sa armrest ng aking upuan pero hindi na nakakilos.  

"Iniiwasan mo lang ako."       His putruding eyes are darted on me.

Kinilabutan ako at kinabahan ng sobra sobra.

"No! Hindi yun!"

"Bakit?"        He gritted teeth.      "May kinatatakutan ka ba na may kinalaman sa akin? May inililihim ka ba sa akin? Why are you so eager to push me away?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!"       Hindi ko inaasahan na tataas ang boses ko. Nabigla din ako sa aking sarili at bago pa ako makareact ay bigla siyang tumawa. 

Nagulat ako at natulala.

Hindi ko maintindihan kung bakit.... Bakit siya tumatawa. Tsk! Umakyat ang init sa aking mukha, lalo na sa mga pisngi. No! I think my whole face turned bright red.

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon