Page 31

367 17 4
                                    

Page 31

Please

*****

Pakiramdam ko nababaliw na ako sa kakaisip.

What's wrong with meHindi naman yun ang first kiss namin pero... Tsk!  Ibang iba yung pakiramdam ko. Ibang iba na talaga eh.

"I think its because you are so busy about work. Nawawalan ka na ng time kay Henry at para sa sarili mo. Tell me, when is the last time you and him did that?"

"Hah?!"    Napaawang naman ako ng bibig.   "What do you mean?"    

"Hellow?!"     Naglean pa sa mesa ko si Wena.     "You know what i mean. Yun! As in yun! Kasi naman puro si Thea na lang ang iniisip mo. Malaki na si Thea. Siguradong gusto na rin nun magkaroon ng kapatid."

"Hah?!"      Napatanga naman ako.    Sinabi ko lang naman sa kanya na nawe-wirduhan ako sa kilos ni Henry. I mean.... Ang sweet niya kasi this past few days.

Days mula noong batchmate reunion nila na isinama niya ako.

I know that he is sweet. As in... Sweet pero iba ang kasweetan niya ngayon eh.

Lage na niya akong hinahatid at sinusundo from work. Kung hindi niya man ako masundo, magpapapunta siya ng isa sa driver ng company niya para sunduin ako. Hindi na rin siya late kung umuwi. At kapag nasa bahay na siya, hindi na siya lumalabas uli. As in.... Wala ng night life.

What the hell is wrong with him?!

But then.... Natutuwa na rin ako sa nangyayari. Kasi naman, mas maraming time na siyang ginugugol kasama si Thea. Lagi silang magka-bonding.  Last night ay sa room uli namin siya ni Thea natulog. Makailang beses na iyon at nagiging komportable na rin ako.

It feels like we're a real family.

Which i know is wrong!

I mean, hindi naman kami kinasal na katulad ng iba na totoong... Nagmamahalan. Nagpakasal lang kami dahil kay Thea. Dahil kay Thea.

Ano ba itong pinag iisip ko? Of course he'll be like that. Bumabawi nga siya sa matagal na panahong nagkawalay sila ng anak niya di ba? Di ba? Hindi ko dapat nilalagyan ng ibang kulay iyon!

Hinayaan ko na lang si Wena sa mga speculations niya. Anyways. Wala naman siyang alam sa totoong deal ng marriage namin ni Henry. Kami lang ang nakakaalam noon.

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon